Friday , November 15 2024

CamSur ex-mayor sabit sa fertilizer scam

SINAMPAHAN nang patong-patong na kaso ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan ang ilang dating lokal na opisyal sa Talisay, Camarines Norte kaugnay ng fertilizer fund scam.

Kabilang sa mga kinasuhan si dating mayor Rodolfo Gache; gayondin sina Cecilio Noora, Jr., Miriam Hernandez, Ireneo Zabala, Romeo Maranan, Felicisima Velasco, Raul Rayos at Adela Adlawan.

Dalawang bilang nang paglabag sa Section 3(e) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act (Republic Act No. 3019) at Malversation of Public Funds ang kinakaharap ng mga akusado, habang damay din sa reklamo sina Hexaphil Agriventures president Alex Rivera at Victoria Ajero.

Lumalabas sa record noong 2004, ang bayan ng Talisay ay nakatanggap ng halos P3 milyon bilang beneficiary ng Farm Inputs and Farm Implements Program (FIFIP) ng Department of Agriculture (DA).

Bilang implementasyon ng proyekto, inaprubahan ni Gache at iba pang mga opisyal ang pagbili ng 4,285 bote ng Hexaplus liquid fertilizer sa halagang P700 kada bote mula sa Hexaphil.

Sa imbestigasyon, natuklasang walang nangyaring public bidding at inaprubahan ang paglalabas ng pondo sa loob lang ng isang araw.

Nabatid na overpriced ang mga produkto kung ihahambing sa ibang brand name na may kaparehong laman.

Nasa P130 lang ang kada bote nito sa merkado, ngunit mas pinili ng Talisay officials ang higit na mahal na uri ng fertilizer na nagkakahalaga ng P700.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *