NAKAKALOKA itong si Angelica Panganiban. Nag-collapse pala ito right after niyang dumalo sa binyag ni baby Lily Feather Prats, anak nina Isabel Oli and John Prats.
Ibinuking ni Angelica ang nangyari sa kanya sa kanyang Instagram account where she posted a photo ng binyag na isa siya sa mga ninang with this caption, “Ninang duties done nag collapse naman after yung headcount ko sa reception, pwedeng pakainin mo na lang ako sa thursday? @iamjohnprats #MalifecentSiNinang #SundayNaNauwiSaBedRest”
Hindi pa malaman kung bakit nag-collapse si Angelica. Pero mukhang okay na siya dahil sa latest IG post niya ay sinabi niyang “back to work”.
She was referring siguro sa Banana Sundae o ang movie niya with Dingdong Dantes.
UNCUT – Alex Brosas