Friday , November 15 2024

2 patay sa CIDG drug ops (P15-M shabu kompiskado)

HUMANTONG sa shootout ang buy-bust operation ng mga tauhan ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa Brgy. Pinyahan, lungsod ng Quezon kahapon ng umaga.

Ayon sa pulisya, natunugan ng mga dealer ng droga ang kanilang mga tauhan kaya nauwi ito sa palitan ng putok.

Patay ang dalawang drug suspect, habang na-recover sa crime scene ang tatlong kilo ng shabu, dalawang kalibre .45 baril, kotse at ilang paraphernalia.

Sa pagtaya ng mga awtoridad, may street value ang shabu na aabot sa P15 milyon.

Kinilala ni Senior Supt. Ronald Lee ng CIDG-NCR ang dalawang napatay na mga suspek na sina Khalid Amintao at Ala Asnawe, base sa mga ID na nakuha sa kanilang mga gamit.

Sinasabing noong Mayo pa sinimulan ang surveillance at kahapon inilunsad ang police operation.

Isinugod sa ospital ang mga suspek ngunit binawian ng buhay sa sasakyan pa lamang.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *