Friday , November 15 2024

Nurses’ pay, water tax amnesty bills veto kay PNoy

DALAWANG linggo bago bumababa sa puwesto, ibinasura ni Pangulong Benigno Aquino III ang panukalang batas na magtataas sa sahod ng mga nurse o ang Comprehensive Nursing Law, at panukalang batas na nag-aalis ng mga kondisyon para sa pagpapatawad nang mga hindi nabayarang income tax ng local water districts.

Aniya sa mensahe sa Kongreso, ang veto sa Senate Bill 2720 at House Bill 6411 ay dahil itinaas na ang base pay ng  entry level nurses sa pamamagitan ng Executive Order 201 series of 2016.

Sa nasabing kautusan, mula sa dating P228,924 ay itinaas sa P344,074 ang guaranteed annual compensation ng mga bagong nurse.

Bukod pa sa ibang benepisyo at allowances na tinatanggap ng mga nurse sa ilalim ng Magna Carta of Public Health.

Ayon sa pangulo, ang panukalang magtataas sa sahod ng mga nurse nang apat na grade ay makagugulo lamang sa umiiral na salary structure ng gobyerno at magdudulot ng ‘distortion’ sa sahod hindi lamang ng medical at health care professionals kundi sa iba pang propesyon sa government service.

Bukod dito, sinabi ng pangulo, kung papayagan niya ang nasabing panukala ay malalampasan ng mga nurse ang suweldo ng mga kahalintulad nitong propesyon tulad ng mga optometrist at dentista.

Hindi rin aniya ikinonsidera ng panukala ang kakayahang pinansyal ng marami sa mga ospital ng gobyerno at ang epekto nito sa pribado at non-government health institutions na posible pang magresulta sa tanggalan ng personnel.

Habang  ang panukalang batas na nag-aalis ng mga kondisyon para sa pagpapatawad nang hindi nabayarang income tax ng local water districts ay kontra sa intensiyon ng Republic Act 10026 na pagbibigay lamang ng tax reprieve sa LWDs na walang kakayahang pinansiyal ngunit desido na magpatupad ng fiscal reform.

Bukod dito, mali rin ang ibinibigay nitong mensahe dahil mistulang nagsasabi na OK lang sa mga taxpayer na magpabaya sa pagbabayad ng buwis dahil mabibigyan ng amnesty.

Maituturing rin aniyang “disadvantageous” ang nasabing panukalang batas sa estriktong tax collection efforts ng pamahalaan.

About Rose Novenario

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *