Hahahahahahahahaha! Pity naman for the following of Maine Mendoza and Alden Richards. Hayan kasi at mas well followed na ang Lola Serye nina Jose at Wally Bayola. Harharharharharharhar!
Ang matindi pa, iniklian ang kalyeserye ng AlDub at ang higit na binigyan ng exposure ay Lola Serye no’ng dalawa.
Ang nakaloloka pa, why did they do a movie at a time when their popularity is already fast going down the drain?
What a pity!
Hindi kaya mga langaw at bangaw na lang ang manood sa kanilang pelikula na si Maine pa raw ang kakanta ng theme song? Hahahahahaha!
Dapat sisihin ang pagiging prima donna ni Maid Mendoza. Hahahahahahahahaha
Honestly, this woman is devoid of any PR and her success has gone to her head.
Dati, pumipila pa raw sa pagkuha ng pagkain at napaka-sweet at down-to-earth. Ang sabi pa ng babaeng pangitelya (babaeng pangitelya raw, o! Hahahahahahahahaha!) ay hinding-hindi raw siya magbabago.
That was before.
Now, things are a lot different.
Ang ilusyon ni Maid ay abot hanggang langit and she has the delusions that she’s the hottest star this side of Hollywood.
But is she still hot?
The answer is a big fat no!
A big fat no raw, o! Hahahahahahahahahahaha!
Imagine, kapag may nagpapa-picture sa kanya, kung saan-saan tumitingin at halata mong napipilitan lang.
Ang ending tuloy ay kumakalat ang kanyang pagiging isnabera kaya parami nang parami ang nati-turn-off.
Dapat sana’y noon pa sila gumawa ng pelikula when they were still veritably hot and was palpably the hottest thing in the business.
But the way things stand, baka langawin at mag-first day, last day ang kanilang pelikula.
Hindi kaya?
Hindi kaya raw, o! Hakhakhakhakhakhakhakhak!
Diosa mio perdon! They should have done a movie when their popularity was scaldingly hot and predominantly, they were the most exciting personality this side of Hollywood. Ang kaso, nag-ilusyon din kasi pati si Alden Richards.
Imagine, wala man lang give aways last Christmas sa mga press people at higit na nag-focus sa AlDub na akala siguro nila’y mananatili ang pagsuporta sa kanila.
Little did they know that when the press would lose interest in them, the fans would follow suit. Hahahahahahahahahaha!
Good riddance Aldub. Wala kayong PR sa press kaya dinedma at tinigbak din nila kayo. Hahahahahahahahahahahahaha!
PINAKABAGONG KAPAMILYA LOVETEAM “ELNELLA” PAIIBIGIN ANG MGA MANONOOD SA “BORN FOR YOU”
Mapapanood na ang pinakabagong teleseryeng handog ng ABS-CBN at Dreamscape Television Entertainment na magpapatunay na may itinadhanang tao para sa lahat, ang “Born for You” na pinagbibidahan ng pinakabagong loveteam na aabangan sa primetime, sina Janella Salvador at Elmo Magalona, na magbubukas ngayong Lunes (June 20).
Ang “Born for You” ay pinakaunang romantic series ni Janella at ang pinakaunang teleseryeng na pagbibidahan ni Elmo sa Kapamilya network. At para sa kanilang unang pagtatambal, lubos ang saya at pasasalamat na kanilang nadarama.
“I am very happy to be with ABS-CBN and very blessed to have what I have right now. Pero kinakabahan din ako kung anong ine-expect ng mga tao, pero naniniwala ako sa io-offer namin ni Janella,” masayang kuwento ni Elmo.
“May konting pressure pero mas may excitement. I have a good feeling about this show kasi noong binabasa ko pa lang ang script, sobrang ganda na,” dagdag ni Janella.
Bukod sa kilig moments ng “ElNella,” hindi rin dapat palampasin ang mga musikang kanilang ihahandog na magpapakita ng kanilang talento sa pagkanta.
“Music is so close to my heart at noong nalaman kong ‘yung character ko na si Kevin is really passionate about music, minahal ko agad siya,” sabi ng Kapamilya actor.
“This soap gave me the opportunity to play instruments at iyon ‘yung hindi ko pa talaga naipapakita. Mas gusto ko pa lalo matutong mag-ukulele,” sabi ni Janella patungkol sa kung ano pa ang dapat abangan sa kanya sa serye.
Kaabang-abang ang mga eksenang mapapanood sa “Born for You” dahil bukod sa mga nakakikilig na mga tagpo ng serye, dapat din abangan ang mga makapigil-hiningang tourist spots sa Japan tulad ng Mount Fuji at Shibuya Crossing, mga lugar na kinuhaan ang ilan sa mga eksena ng palabas.
Bagama’t hindi pa nag-uumpisa ang serye ay kaliwa’t kanang papuri na ang natatanggap nito. Consistent trending topic sa social media at mainit na pinag-uusapan ng netizens.
Umiikot ang kuwento ng “Born for You” kina Sam (Janella) at Kevin (Elmo), dalawang taong itinadhana para sa isa’t isa ayon na rin sa konsepto ng red string of fate na nagsasabing isang invisible string ang nagkokonekta sa dalawang taong nakatakda para sa isa’t isa.
Musika ang maglalapit sa kanilang mga puso, ngunit ito rin ang magiging dahilan ng kanilang posibleng pagkakahiwalay dahil sa buhol-buhol na nakaraan ng kanilang mga magulang.
Anong tadhana ang naghihintay para kina Sam at Kevin? Paano makaaapekto sa kanilang kapalaran ang mga pangyayari sa nakaraan? Maputol kaya ang invisible string na nagkokonekta sa kanila?
Kasama rin sa cast ng “Born for You” sina Ariel Riveral, Vina Morales, Ayen Laurel, Bernard Palanca, Gina Pareño, Freddie Webb, Jimboy Martin, Joj Agpangan, Francis Magundayao, Smokey Manaloto, Ogie Diaz, Katya Santos, DJ Durano, Alfred Labatos, Kyline Alcantara, Paulo O’hara, Neil Coleta, at Young JV.
Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Onat Diaz at Jon Villarin.
Huwag palampasin ang pag-uumpisa ng teleseryeng magpapatunay na mayroong nakatadhanang tao para sa lahat, ang “Born for You,” pagkatapos ng “Dolce Amore” sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).
Puwede rin mapanood ang past episodes ng palabas sa iWanTV.com o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.
Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at [email protected] and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.
And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong!
BANAT – Pete Ampoloquio, Jr.