Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

P195-M shabu kompiskado, 2 Taiwanese arestado

ARESTADO ang dalawang Taiwanese national sa ikinasang anti-drug operation nang pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) sa Parañaque City kahapon.

Kinilala ang mga naarestong Taiwanese na sina Chen Sheng-Ming, 33, at Hwang Zhong-Kee, 25.

Ayon sa pulisya, nakatanggap sila ng intelligence report kaugnay sa ilegal na gawain ng dalawa na sinasabing pawang miyembro ng isang malaking drug syndicate.

Kahapon pasado 12 p.m. ikinasa ang anti-illegal drug operation sa Macapagal Avenue, Brgy. Dongalo, Parañaque City.

Nahuli ang dalawang suspek at nakuha sa kanila ang mataas na kalidad ng shabu sa 13 pakete na nakalagay sa backpack, at 26 packs na nakalagay sa luggage, tinatayang nagkakahalaga ng P195 milyon.

Ayon sa intelligence report, nagkabayaran ng droga sa Bangkok, Thailand at dadalhin sana ito sa Cavite.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …