TWICE nang nakasalubong daw ng TV5 news anchor si Annabelle Ramasa Davao na noong mga nakaraang araw ay doon muna namalagi si President-elect Digong Duterte.
Pero tila nalungkot si Sir Erwin Tulfo dahil sa ikalawang araw ay inabutan na ng malakas na buhos ng ulan ang feisty showbiz mom, karay-karay pa ang manugang nitong si Sarah Lahbati.
Tuloy, basang-basa raw sa ulan ang magbiyenan gayong mukhang hindi pa sila pinapayagang makapasok sa tanggapan ni Digong.
Of late, maugong ang balitang kay Tita Annabelle umano iniaalok ang puwesto bilang chief ng MTRCB pero tinanggihan niya ito.
Sa aspetong ‘yon kami bilib kay Tita A, alam kasi niya sa kanyang sarili na hindi siya kumbaga idinesenyo para sa posisyong ‘yon.
Pero kung ano ang kanyang pakay sa madalas na pagbiyahe sa Davao—opisyal man o personal—for sure, isa siya sa mga maraming natuwa sa pagkapanalo nito.
HOT, AW! – Ronnie Carrasco III