MAGANDA ang exposure ng indie actor at International model na si Raymond Cabral sa afternoon TV series na We Will Survive na tinatampukan ng mga komedyanang sina Pokwang at Melai Cantiveros. Gumaganap siya rito bilang si Lando, ang nakababatang kapatid ni Edwin (Jeric Raval). Si Marissa Delgado at ang character actor na si Tony Manalo naman ang kanilang mga magulang sa seryeng ito ng ABS CBN.
Sobrang thankful nga ni Raymond sa pagiging parte niya ng panghapong seryeng ito na humahataw sa ere ngayon. Nagpapasalamat din siya siya sa direktor ng WWS na si Direk Jeffrey Jeturian dahil sa tiwalang ibinigay sa kanya.
Sa ngayon, katatapos lang ni Raymond ang dalawang indie films na siya ang lead role. Ito ang Amalanhig na isang horror film at mula sa direksyon ni Jun Posadas. Ang isa pang nagawa niya ay ang advocacy film titled Sa Isang Iglap ni Direk Neal ‘Buboy’ Tan.
Si Raymond ay ipinakilala noon sa pelikulang Tutok ni Direk Joven Tan, sumunod ay ang Marino, Baklas, Tanglaw, Tarima at ang 2015 MMFF entry ni dating Laguna Governor ER Ejercito na Muslim Magnum 357 sa direksyon naman ni Jun Posadas.
Naging bahagi din si Raymond ng panghapon seryeng Pasion de Amor ng ABS-CBN kaya laking tuwa niya nang mapasama uli siya sa panghapon serye ng Kapamilya Network ang We Will Survive!
Bilang model, si Raymond ay nakapag-travel na sa iba’t ibang key Asian cities tulad ng Hong Kong, Macau, China, at iba pa. Siya ang endorser ng Page Jeans at Above Aesthetics. Siya ay na-feature din bilang isa sa models sa annual Cosmo Bachelor show noong 2014.
Kapag hindi abala sa mga showbiz commitments niya, inaasikaso ni Raymond ang negosyo niyang Makerz Gym at computer shop, na matatagpuan sa Bulihan, Silang, Cavite.
“Ang lahat ng ito ay galing sa naipon ko as a model. I know that in showbiz wala namang assurance na it’s going to be forever kaya I decided to put up my own business for my future. Although I love acting so much, at least kahit papaano may income ako kung madalang ang movie offers,” saad ni Raymond.
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio