Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sam at Gerald, ipinag-produce ng album si Rayver

00 fact sheet reggeeTHE much-awaited album of Rayver Cruz will launch tonight at Urbn Bar, Timog Avenue presented by Cornerstone Music and Academy of Rock entitled What You Want release under Star Music.

Ang carrier song na Bitaw ay isinulat ni Jonathan Manalo at produced naman ng magkakaibigang Rayver, Gerald Anderson, Sam Milby, at Academy of Rock.

Tinanong namin ang manager ni Rayver na si Albert Chua kung bakit ngayon lang naglabas ng album ang aktor.

“Eh, kasi walang sumugal na ipag-produce siya ng album, ang alam kasi artista siya, ganoon,” sabi sa amin ng manager.

Nakatutuwa sina Gerald at Sam dahil talagang suportado nila si Rayver na aksidenteng narinig nila ang boses ng binata habang nag-a-unwind sila sa bahay ng leading man ng Doble Kara at kaagad na ini-record ito.

Ipinarinig naman daw ni Sam ang recorded song ni Rayver at pinahulaan sa lahat kung sino ang kumakanta at wala ni isa ang nakahula kaya laking gulat ng malamang si Rayver pala ang nasa likod ng magandang boses.

Hay naku, pamilya ng singers sina Rayver dahil pinsan niya sina Donna Cruz, Sunshine Cruz, Tirso Cruz lll, at ang namayapang si Chona Cruz na sumikat nang husto sa awiting I’m Feeling Sexy Tonight.

Dance album ang concept ng What You Want base sa mga gustong awitin ni Rayver tulad ng revival song ni Gary Valenciano na Hataw Na, Dance The Night Away, Feeling Good at iba pa.

Goodluck Rayver!

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …