Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ria Atayde, sobra ang katuwaan na mapasama sa MMK

00 fact sheet reggeeISA pang dream come true na mapasama sa Maalaala Mo Kaya ang anak nina Sylvia Sanchez at Papa Art Atayde na si Ria Atayde.

Sa asalto ni Ibyang (tawag kay Sylvia) namin nakatsikahan si Ria,”oh, Tita Reggee, another dream come true for me.  Finally, magkaka-’MMK (Maalaala Mo Kaya)’ na ako, thank God!”

Matagal ng pangarap ni Ria na magkaroon din siya ng episode sa MMK kaya naman noong ialok ito sa kanya ay talagang tuwang-tuwa siya to the max.

Sabi ni Ria, “halos lahat naman tita ‘di ba, pangarap na magkaroon ng ‘MMK’?”

Napanood una si Ria bilang Teacher Hope sa seryeng Ningning  ni Jana Agoncillo at maganda ang feedback sa kanya at nakita ring iyakin pala siya nang mag-guest sila ni Arjo sa Magandang Buhay nina Karla Estrada, Jolina Magdangal,  at Melai Cantiveroskamakailan.

Madaling umiyak si Ria pagdating sa usaping pamilya pareho sila ng kuya niyang si Arjo bilang Joaquin sa FPJ’s Ang Probinsyano na akala mo tigasing pulis pero sobrang lambot ng puso.

Kung walang aberya ay kahapon ang first taping day ni Ria ng MMK kasama sinaJoseph Marco at Matt Evans.

Ayaw banggitin ng dalaga kung ano ang kuwento ng episode nila nina Joseph at Matt, “secret na lang po muna, tita Reggee para panoorin mo, ha, ha, ha, ha,” sabi sa amin.

At talagang aabangan ko ‘yan Ria.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …