Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Anak nina Hayden at Vicki, ipinakilala na

00 fact sheet reggeeFOLLOW-UP ito sa nasulat namin dito sa Hataw kamakailan na naka-tsikahan namin si Direk Quark Henares sa nakaraang My Candidate presscon tungkol sa balitang may anak ang mama Vicki Belo niya at si Hayden Kho sa pamamagitan ng surrogate mother.

Base sa panayam namin kay direk Quark, nabanggit niyang eight years ago pa raw napag-uusapan na gustong magkaroon ng ‘kid’ ang mama niya kaya hindi naman kataka-takang tinototoo na nila ito ng boyfriend niyang si doc Hayden na sampung taon na ang relasyon nila.

Nadulas pa nga si direk Quark na may “baby sister” na raw sila at saka tumawa ng malakas at hintayin na lang daw na ang mom Vicki at si Hayden ang opisyal na magsabi tungkol dito.

Ilang araw ang nakalipas at mukhang kinompirma na nga ni doc Hayden ang pinag-usapan namin ni direk Quark dahil nag-post siya sa kanyang Instagram noong linggo kasama ang anak nilang si Scarlett Snow.

“I guess God knew fatherhood would change me completely and bring me closer to being the kind of man He always wanted me to be, so He sent me and Vicki an angel who is to be our lifelong inspiration. Ladies and gentlemen, meet our daughter, Scarlet Snow.@scarletsnowbelo,”  post ni doc Hayden.

Samantala, hindi naman binanggit ni Hayden kung paano nabuo o saan galing si Scarlett Snow para siguro wala ng maraming tanong-tanong pa, pero maraming nakahula na ito na nga ‘yung matagal ng plano na may kinausap silang tao para ipagbuntis ang bagets or surrogate mother.

Walang nabanggit kung ilang buwan na si Scarlett Snow kaya hulaan mo na lang Ateng Maricris base sa billboard nitong naka-display sa may Morato, Quezon City bilang endorser ng baby products ng Belo Medical Group.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …