Friday , November 15 2024

Rason sa Smartmatic Computer Alteration:

MAY malaking suliranin kung ang isang taong gumagawa ng krimen o lumalabag sa batas ay kinakikitaan pa ng katapangan at kawalan ng takot sa kanyang pagiging kriminal, lalo na kung ang krimen ay kanyang ginagawa sa harap ng mga taong alam niyang makasasaksi sa kanyang paglabag.

Alin sa dalawa: ang kriminal ay naniniwalang ang mga taong nakasasaksi sa kanyang krimen ay sobrang napakatanga, na hindi nila naiintindihang siya ay lumalabag na sa batas, o di kaya, alam niyang ‘di naman siya mapaparusahan kahit kailan, kahit may mga saksi laban sa kanya. O di kaya, marahil ay may espesyal siyang dahilan kung bakit ginagawa niya ang krimen, kahit sa harap ng maraming tao.

 Bahala na kayo kung ano ang pipiliin ninyo, para sa  akin, ilan lamang  ito sa posibleng dahilan kung bakit ang isang opisyal ng Smartmatic ay napakalakas ng loob sa paglabag sa regulasyong hindi dapat binabago ninuman ang computer programs na ginagamit sa pagpapalabas ng resulta ng halalan noong Mayo 09, 2016.

Dapat hindi sa harap ng mga tao ginawa ang tampering

 Pero, anuman ang tunay na dahilan, may tanong ako sa lahat: bakit nga ba nagmatapang ang isang Smartmatic official at kanyang binago ang computer programs na ginagamit sa pagpapalabas ng resulta ng halalan, at sa paraang nakita pa ng maraming tao, at tila siyang naging dahilan pa ng pagbabago din ng resulta ng botohan para sa mga kandidato sa pagka-bise presidente?

 Sa normal na kalakaran ng buhay, ang isang taong nagnanais gumawa ng krimen ay maniniguradong sikreto ang kanyang ginawa, upang wala siyang maging pananagutan. Ito ang natural na naisin ng lahat ng mga hayop. Nais ng lahat ng uri ng nilalang na may hininga na mapanatili ang kanilang kalusugan at buhay, lalo na kung ang krimen na kanilang gagawin ay magdudulot ng malaking epekto sa marami.

 Kaya naman, ang kriminal na tinutukoy natin dito—gaya ng Smartmatic official—ay maliwanag na nagnais na maraming tao ang makasaksi sa krimeng kanyang ginawa, upang may pruwebang ginawa niya ang krimen, anuman ang kanyang espesyal na dahilan. Ito ang tunay na nakakatakot sa ginawa ng Smartmatic official.

Smartmatic bahagi ng Failure of Elections?

Maniniwala ba kayo na  ang layunin ng Smartmatic official sa kanyang ginawa ay ‘di lamang upang baguhin ang resulta ng botohan para sa pangalawang pangulo?

Kung ‘yun lang ang layunin doon, dapat ay isinagawa iyo nang lihim, upang ang pagbabawas ng boto ng isang kandidato, at ang pagdadagdag naman ng boto sa iba pa, ay magiging matagumpay.

 Ang nangyari rito, ang tunay na ninais ng kriminal ay maalis ang tiwala ng sambayanang Filipino sa buong proseso ng halalang naganap noong Mayo 09, 2016, upang magkaroon ng pagkilos upang isantabi ang resulta nito dahil nabahiran ng duda ang sistema ng botohan.

Sa totoo lang, maraming kolumnista at komentarista ang ganito ang sinasabi.

 Saan tayo dadalhin ng ganitong sitwasyon? Well, kung maisasantabi ang halalan noong Mayo 9, di makakaupo ang Pangulong Rodrigo Duterte. Kakailanganin ang bagong eleksiyon. Magdudulot ito ng matinding kaguluhan at awayan. Sa ganitong pangyayari, ang nakaupong pangulo ay magkakaroon ng karapatang magdeklara ng isang revolutionary government at ituloy ang kanyang panunungkulan? Posible? Hindipo ba?

Bakit maraming natalo na incumbent?

 Isa sa posibleng dahilan kung bakit natatalo ang isang incumbent ng mga bagong kumandidato sa anumang posisyon ay kakulangan ng reources, o diretsang sasabihin ko walang sapat na pondo. Ikalawang dahilan ay posible na ang dahilan ay sawa na at ayaw na sa administrasyon ng mga dating halal na opisyal. Ngunit mas nakararami ang kakulangan ng pondo, dahil marami na ang ipinagbibili ang kanilang mga boto. Meron pa namang natitirang di nagpapabili, ngunit ang mga dating hindi nagbebenta ng kanyang boto ay nagbebenta na, katwiran nila ay sayang. Pambili din ng bigas!

 Kung hindi sana dumaranas ng kahirapan ang ating mga kababayan, disin sana ay walang magbebenta ng kanilang mga boto! Kahirapan, ito ang  unang dapat pagtuunan ng pansin ng kinauukulan, dahil sa sobrang hirap, kapit patalim, nakagagawa ng krimen! Salamat at maraming umaasa sa isa sa nangungunang senador na si Joel Villanueva, kung matupad ang kanyang adhikain na mabigyan ng trabaho ang libo-libong Filipino, mababawasan ang dumaranas ng kahirapan!

Kung may reklamo o sumbong, mag-email lang sa [email protected]

About Amor Virata

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *