Sunday , December 22 2024

2 Chinese national arestado sa buy-bust

ARESTADO ang dalawang Chinese national makaraan makompsikahan ng isang kilo ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng Quezon City Police District—District Anti-Illegal Drugs (QCPD-DAID) sa Brgy. UP Campus, Quezon City kahapon.

Sa ulat ni Chief Insp. Enrico Figueroa, DAID chief, kinilala ang mga nadakip na sina Xiongwei Chen, 42, tubong Fujian, China, at Weier Chen, may mga alyas na “Willy Ang Tan” at “Edman Farillas,” 40, freelance agent, Chinese citizen, kapwa nanunuluyan sa Block 5, Lot 4, West Sacred Heart St., Canumay, Valenzuela City.

Ayon kay Insp. Dondon Llapitan, nadakip ang mga suspek sa C.P. Garcia Avenue, Brgy. UP Campus, Quezon City dakong 1:30 p.m.

Nakompiska mula sa mga suspek ang apat na a self-sealing transparent plastic bags na naglalaman ng isang kilo ng hinihinalang shabu.

Kabilang sa nakompiska ang dalawang piraso ng 1,000 peso bill na ginamit na buy-bust money na ipinatong sa ibabaw ng mga boodle money, at isang pulang Mitsubishi Adventure (XSN-536).

Dagdag ni Llapitan, naguna sa operasyon, kanilang dinakip ang dalawa makaraan bentahan ng shabu ang isa sa pulis na nagpanggap na buyer.

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *