SI Jennylyn Mercado na nga ang may hawak sa titulong Rom-Com Queen.
Paano kasi lahat ng pelikulang rom-con na ginawa niya ay kumita sa takilya. Ang una ay ‘yung English Only Please na pinagtambalan nila ni Derek Ramsay.
Sumunod ay ang Walang Forever na pinagtambalan naman nila ni Jericho Rosales.
At ngayon ay ang pelikula nila ni John Lloyd Cruz na Just The 3 Of Us mula sa Star Cinema na pinipilahan pa rin sa takilya.
Mas malakas ang pelikula nila kompara sa nakasabay nilang pelikula nina James Reid at Nadine Lustre na This Time.
Siguradong masusundan ang pelikula ni Jennylyn sa Star Cinema dahil nga sa ipinakitang lakas sa takilya ng Just The 3 Of Us.
MA at PA – Rommel Placente