Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

DFA handa sa foreign policy strat sa WPS case (Sa pag-upo ni Duterte)

NAKAHANDA na ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa foreign policy strategy para sa nalalapit na pag-upo ni Rodrigo Duterte sa Malacañang bilang bagong halal na Pangulo, kaugnay sa arbitration case at usapin sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea o South China Sea.

Ayon kay DFA Undersecretary for Policy Enrique Manalo, nag-ambag na ang mga Embahada ng Filipinas at public stakeholders ng kani-kanilang hakbangin sa naturang plano na layuning isulong ang interes ng bansa sa mga susunod pang taon.

Kasama sa tatlong suporta ng Philippine foreign policy ang economic diplomacy, assistance to nationals at national security.

Ilang umiiral na dayuhang polisiya ang pinanatili ng kasalukuyang pamahalaan at nagdagdag ng mga bagong elemento para sa long-term strategic plan kaugnay sa pinagtatalunang teritoryo sa WPS at mga senaryo sa post-arbitration.

“In preparing our strategy, we are basing it on what has already been there and then we will probably have to build up on that depending on the issue,” sabi ni Manalo.

Habang inihayag ni Lauro Baja, dating DFA Usec. at Philippine Permanent Representative to the United Nations, ang susunod na administrasyon ay dapat maghanda sa pagharap ng hamon sa mga sensitibong dayuhang polisiya lalo sa mga usapin sa WPS.

Aniya, si Duterte at ibang kandidato ay hindi naglabas ng konkretong plano o proyekto sa mga tukoy na isyu na haharapin ng susunod na mamumuno.

“What I like to hear is some specific plans or proposal which could be realized within six years. As I said, issues on territorial sovereignty and maritime entitlements in the South China Sea, these are generational issues. But in the meantime, we need to have specific projects within the time frame of the next  president,”dugtong ni Baja.

Sinabi ni Manalo, kabilang sa mga hamon sa daigdig na haharapin ni Duterte ang pag-angat ng banta ng terorismo, climate change, cybercrime, human trafficking at iba’t ibang paglabag sa karapatang pantao (human rights violations).

Pinayuhan ni Ambassador Jose Romero, pangulo ng Philippine Council for Foreign Relations at Philippine Ambassadors Foundation Inc., si Duterte na sumangguni sa kanyang foreign policy advisers sa pagbuo nang mahalagang pagpapasya sa mga pangunahing foreign policy crisis.

“I think, although he is the President of the Philippines, he is not the only architect of foreign policies,” diin niya.

Malaki ang tiwala nsi Romero na hindi sisirain ni Duterte ang magandang ugnayan o relasyon ng Filipinas sa mga kaalyadong bansa dahil lang sa masamang pananalita ng kanyang bibig.

“I think the minute he sits in Malacañang, he will shed off his T-shirt and put on his barong or suit and behave like a tenant in the Palace. I think he realizes his job,” aniya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …