NAG-TWEET si Direk Nuel Naval ng @directfromncn, “Padded shoulders: 80’s fashion staple”
Sagot naman ng, @Jadinepublicist, DIREKKKK 200 Cinemas lang tayo yesterday!!! Partida!!! I repeat, 200 lang. One more time.. 200 cinemas lang!!”
Hugot line na naman ito ni direk Nuel dahil nagpalabas ang Star Cinema na kumita ng P16-M sa unang araw ang Just The 3 of Us nina John Lloyd Cruz atJennylyn Mercado na palabas sa mahigit na 300 na sinehan.
Ang Viva films naman ay nagsabing naka P15-M naman sa opening day ang This Time na palabas sa 200 theaters lang.
Graded A ang ibinigay ng Cinema Evaluation Board at Rated G naman ang ibinigay ng MTRCB sa This Time nina James Reid at Nadine Lustresamantalang Graded B at MTRCB R-13 naman ang Just The 3 of Us.
Nauna naming pinanood ang This Time na palabas sa Trinoma Cinema 6 sa ganap na 7:40 p.m. at mahigit sa 100 lang kami sa loob ng sinehan kompara sa Just The 3 of Us na pinanood namin ng 9:55 p.m. sa Cinema 5 ay almost full house kami.
Sa madaling salita, totoong mas kumita ang pelikula nina Lloydie at Jennylyn dahil nakita namin na mas pinipilahan ang Just The 3 of Us kompara sa This Time.
Kuwento nga ng takilyera, nagbenta pa sa unang araw ng tickets si James na pinagkaguluhan din, pero hindi naman ito nakatulong para maungusan nila ang katapat na pelikulang Tagalog na dalawang sinehan ito ipinalalabas.
Anyway, puwede namang humabol pa ang This Time dahil may weekends pa naman
May 31 block screening ang isang fan group ng JaDine, so malaking revenues din iyon at wala pa ‘yung ibang grupo ng fans nila.
Pero sabi nga ng mga katoto, ‘wag daw mag-base sa block screening kundi sa mga taong pumila para mapanood ang pelikula hindi dahil fans sila, tama nga naman.
FACT SHEET – Reggee Bonoan