MASAYA ang ginanap na thanksgiving party sa 20th wedding anniversary nina Senator Francis ‘Kiko’ Pangilinan at Sharon Cuneta-Pangilinan na ginanap sa Celebrity Sports Plaza noong Miyerkoles ng gabi.
Dinaluhan ang pagtitipon iyon ng kanilang malalapit na kaibigan at kaanak at talagang nag-enjoy ang mga bisita sa mga awitin nina Gary Valenciano, Gab Valenciano, Dessa, Noel Cabangon at marami pang iba.
Late namang dumating si KC Concepcion na kasama ang lalaking nagpapasaya sa kanya ngayon, ang Azkal player na si Aly Borromeo na nakilala ng una nina Sharon at Kiko sa renewal of vows noong Mayo 2.
FACT SHEET – Reggee Bonoan