Friday , November 15 2024

Iboto natin Binay Bongbong at Zubiri!

MALAPIT na sumapit ang eleksiyon at kanya-kanyang kandidato ang mga tao at isa sa mga napipisil ng marami ay si VP Jejomar Binay na talagang kahanga-hanga ang kanyang mga nagawang maganda sa bansa.

Si VP Binay na magaling dahil unang-una mahal niya ang mahihirap at marami siyang natulungan lalo ang mga maysakit na walang pantustos sa kanilang pagpapagamot sa sarili at talagang madaling lapitan.

May nakausap tayong isang matanda na nagda-dialysis at sabi niya sa akin kung hindi kay Binay na nagbigay sa kanya ng libreng gamutan ay malamang patay na siya.

Kaya naman utang na loob niya ang kanyang buhay sa kanyang iniidolo na si VP Binay.

Malambot ang puso niya sa mahihirap at patuloy siyang gumagabay sa mga taong nangangailangan ng kalinga.

Alam natin kung ano-ano ang ibinabato sa kanya ng kanyang mga katunggali sa politika.

Pero marami pa rin naniniwala sa kanya dahil alam na serbisyo publiko ang kanyang ipinapairal kaya marami pa rin ang hanga sa kanya at tahimik na sumusuporta sa kanya.

Marami siyang naging scholar at marami na rin siyang natulungan na college at universities sa buong bansa.

Hindi naman kaila sa atin na talagang isang mahusay na lider si VP Binay dahil nakita naman natin na lalong umunlad ang Makati noong naging Mayor siya rito.

Marami pa siyang pangarap sa ating bansa kaya gusto niya ay sama-sama nating harapin at solusyonan ang problema sa bansa. Kailangan ni VP Binay ang suporta ng masa dahil malaki ang magagawa niya para sa kinabukasan ng ating bayan!

***

Isa rin sa maasahan at itinataguyod ang pagsulong ng bansa ay si Sen. Bongbong Marcos. Binuhay niya ang solid north at alam naman natin na ‘di niya kailangan ang kayamanan dahil ang yaman niya ay tayo na nagtitiwala sa kanyang kakayahan.

Si BBM ay isa sa huwarang Filipino na mahal ang masa at siya ay walang kinikilingan pagdating sa politika. Sa kanya, ay makatulong sa mga nangangailangan.

Dapat tayong mga Filipino ay tumingin sa kinabukasan ng bayan at hindi ang nakaraan. Ang pagkakaisa ay susi sa pagbalik ng kaluwalhatian ng bansa.

Ang mahabang karanasan sa executive department ang isa sa mga pinanghahawakan ni Senador Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. para kombinsihin ang mga botante sa darating na halalan sa 2016 na siya ang karapat-dapat na maging bagong vice president ng bansa.

Sabi ni BBM, “Karamihan sa kanila ay kilala ko at sabi nga, may karapatan o may ‘K’ sila na tumakbo bilang bise presidente. Pero sa aming lahat, ako lang ang nakaranas na magsilbi bilang halal na opisyal sa executive department.

Si Marcos ay nagsimula sa kanyang serbisyo publiko nang mahalal bilang vice governor ng Ilocos Norte noong 1981. Matapos ang tatlong taon siya naman ang naging governor ng probinsya.

Nanilbihan din siya bilang Kinatawan ng Second District ng Ilocos Norte sa House of Representatives noong 1992 hanggang 1995 at matapos ito ay bumalik siya bilang Governor ng probinsiya kung saan nanatili siya ng dalawang termino, mula 1998 hanngang 2007.

“Personal kong nakita at naranasan kung ano ang nangyayari sa local government, kung paano pinatatakbo at kung ano ang mga problemang hinaharap nito. Palagay ko ay magandang karanasan ito para maihanda ako sa mga responsibilidad ng isang Vice President,” dagdag ni Marcos.

“Mayroon akong vision, may plano, at may kaalaman at karanasan para gawin ang mga ito,” ani Marcos.

***

Huwag din natin kalimutan iboto si Senator Migz Zubiri na maraming nagawang batas para sa bayan. May puso sa masa at kailanman ay hindi nang-iwan ng mahihirap na kababayan natin.

Migz Zubiri na po tayo! The man with a golden heart.

***

Ang RAM PARTY LIST ni ret. Gen. Danny lim na lumaban sa bakbakan para sa bayan at katiwalian. Ito ang mga dapat manilbihan sa bayan na subok na sa public service.

Kaagapay ng taumbayan RAM party-list!

About Jimmy Salgado

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *