Monday , December 23 2024

Naval at Del Rosario, naglabas ng saloobin sa pagtatapat ng This Time at Just The 3 of Us

00 fact sheet reggeeSA ginanap na presscon ng pelikulang This Time na idinirehe ni Nuel Naval produced ng Viva Films ay naglabas siya ng sama ng loob niya sa Starcinema dahil tinapatan sila ng pelikula nina John Lloyd Cruz at Jennylyn Mercado na idinirehe ni Cathy Garcia-Molina.

Nauna ang Viva Films sa playdate na May 4 samantalang ang Lloydie at Jennylyn movie ay supposedly April 27 katapat ng Captain America:  Civil War pero dahil hindi pa raw tapos ang post production kaya postponed.

Nauna nang naglabas ng saloobin niya si direk Nuel sa social media noong Abril 25 at muli niyang inulit noong presscon nina James Reid at Nadine Lustre.

“Sabi ko nga, I wish I’m just a director, pero tao rin pala ako. Nasaktan ako kasi I’ve been a Kapamilya for more than 20 years and JaDine is also a Kapamilya at nagtaka ako bakit kailangang mangyari ‘yun.

“And I question, sabi ko, ‘sana magtulungan instead magtapatan. But then again, I just want positivity, hayaan na lang,” paliwanag mabuti ng direktor.

Kung si direk Nuel ang nasa katayuan ng Starcinema, ano ang mas pipiliin niyang makatapat na pelikula, foreign film tulad ng Captain America o local film?

“Well, ako kasi, corny man ito, sabi nga ni Heneral Luna, ‘ang totoong kalaban ng mga Filipino, Amerikano’ so sana hindi mga Filipino ang mga kalaban natin, sana Amerikano.

“Maliit lang ang industriya, so ako, sana hindi nagtapatan. Kaya ko naman ito nasasabi is because nasasaktan dahil mahal ko sila, mahal ko ang Star Cinema, mahal ko ang ABS, Kapamilya nga ako. So that’s why masakit sa akin, kung hindi ako Kapamilya, it wouldn’t have matter actually, kebs ko ba?” katwiran ng direktor.

Dagdag sabi naman ni Ms. Mel del Rosario na siyang sumulat ng This Time, “kung ang tumapat Seiko (Films), Amazaldy (Films), ang luma… o kaya El Nino (Films), hindi sasama ang loob, okay na ‘yan.”

At ang katwiran din ng kilalang manunulat, “well it felt like Philippines and China na over Spratly. ‘Yun ‘yung unang naramdaman ko, I was surprised and talaga namang sumama ang loob ko being a Kapamilya myself.

“And then after that said, I tried to understand ‘yung business decision they had to, parang ganoon. Sabi na lang namin, just focus on the movie na mas pagandahin at tapusin nang maganda sa post (production) ganyan.

“We agreed na we will not dwell on a negativity na bakit itinapat, ganyan, pero siyempre may first reaction really was ah… the 52 Wednesdays ng 2016, talagang iyon ang napili? That was the first human reaction then I process, okay na kami.”

True blooded Kapamilya si Ms. del Rosario at siya ang nasa likod ng mga teleseryeng Be Careful With My Heart, Kahit Puso’y Masugatan, Mundo Ma’y Magunaw at maraming iba pa at siya rin ang creative manager ng Star TV/Starcinema.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *