Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aura, kinakabog na si Onyok

KAINIS, hindi kami nakakapanood ngayon ng FPJ’s Ang Probinsyano kaya hindi namin nasusundan ang kuwento, hindi rin kami nakakapanood sa I Want TV dahil mabagal ang internet.

Hindi tuloy kami maka-relate sa kuwentuhan ng mga katoto na ang galing daw ni Aura, ang batang bading na may gusto kay Cardo (Coco Martin) at minsang nasasapawan na rin ang paborito naming si Onyok.

Naku Ateng Maricris, hindi kami papayag na masapawan ni Aura si Onyok ‘no!

Anyway, pasok na si Jake Cuenca sa FPJ’s Ang Probinsyano at aminado ang aktor na masaya siyang muling makakasama si Coco dahil huli silang nagsama sa seryeng Ikaw Lamang noong 2014.

Gagampanan ni Jake ang papel na Jonas na rebeldeng anak dahil sa kinikimkim na galit sa pamilya at para siguro mapansin ay sumali sa sindikatong may kinalaman sa droga bilang dealer ng big boss nilang si Eddie Garcia bilang si Don Emilio na tatay ni Agot Isidro.

Sina Jonas at Cardo ang magkalaban at tiyak na bakbakan to the max kaya abangan ang katakot-takot na sagupaan ng dalawang aktor.

At sa lighter side ay pasok naman ang tambalang Elmo Magalona at Janella Salvador na matagal ng hinihintay ang launching serye nilang Born For You saAng Probinsyano muna sila mapapanood para magpa-kilig.

In fairness made na rin ang tambalang Elmo at Janella dahil trending sila at ito rin ang dahilan kaya inaabangan ang Born For You serye nila.

Mapapanood ang FPJ’s Ang Probinsyano sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Puwede ring mapanood ang past episodes ng palabas sa iWanTV.com o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …