Just The 3 Of Us, natakot saCaptain America (Kaya iniurong daw ang playdate)
Reggee Bonoan
April 28, 2016
Showbiz
MUKHANG hindi nagustuhan ni Direk Nuel Naval, direktor ng pelikulang This Timenina James Reid at Nadine Lustre na makakasabay nila ang pelikula nina John Lloyd Cruz at Jennylyn Mercado dahil nag-one line siya sa kanyang Twitter account.
Ilang beses na-retweet ang tweet ni direk Nuel na, @directfromncn Kailangan talaga makipagtapatan? Di ba pwedeng magtulungan na lang? #perapera.” At umabot na sa 904 retweets at 1.5k likes ito.
May sumagot sa tweet ni direk Nuel na si @sha_casinillo, ”@directfromncn , madadaan lang ‘yan sa pag-uusap no need of violent reactions.”
Sumagot kaagad ang direktor ng JaDine, “@sha_casinnilo, not a violent reaction. I am also a kapamilya, loyal for 20 years. I wish I’m just a director, pero tao din ako.”
Ang ibinigay na sagot sa amin ng taga-ABS-CBN noong magtanong kami kung bakit na-move ang playdate ng Just The 3 of Us na idinirehe ni Cathy Garcia-Molina ay dahil katatapos lang ng shooting nila dalawang araw bago ang actualy date na April 27. Bukod pa sa hindi pa sila nakakapag pre-prod at wala pang promotions.
Kaya nag-decide na lang daw ang Star Cinema executives na iurong ang playdate at sa Mayo 4 nga na katapat naman ng This Time movie ng JaDine produced ng Viva Films.
Kaso may nagbulong sa amin, “natakot kasi ang ‘Just the 3 of Us’ sa ‘Captain America: Civil War’ kaya sa JaDine na lang sila tumapat.”
Dagdag pa, “ayaw na nilang (Starcinema) maulit ‘yung nangyari sa ‘Hele (Hiwagang Hapis)’ na tumapat sila sa ‘Superman vs Batman (Dawn of Justice)’, ilang taon ng hawak ng Star Cinema ang Black Saturday playdate at lagi silang blockbuster. Sayang ang artista nila, John Lloyd at Piolo (Pascual) pa naman.”
At itong Captain America: Civil War ay kailangan talagang iwasan dahil ang lalaki rin ng artistang babanggain kung sakala nina Jen at Lloydie, sina Chris Evans, Robert Downer, Jr, Scarlett Johansson, Jeremy Renner at iba pa.
Oh well, suicide nga if ever ang anumang pelikulang tatapat sa Captain America. Samantala, excited ang Star Cinema dahil Graded B ang ibinigay sa kanila ng Cinema Evaluation Board o CEB.