Si Grace Poe at ang mga nurse
Jimmy Salgado
April 27, 2016
Opinion
BIHIRA ang mga ganitong pangyayari sa mga nars kaya dapat ang nursing law ay huwag i-veto ng Malacañang.
Ang party-list na “Nars” ay dapat natin suportahan sa halalan dahil ipinaglalaban ang karapatan ng bawat nurse sa ating bansa.
Nagbabala ang grupo sa Malacañang at kay PNoy na ‘wag aprobahan ang apela ng mga mga nagmamay- ari ng mga ospital na i-veto ang tinatawag na comprehensive nursing law.
Kaya mga nurse at ang mga pamilya ninyo ay huwag kalimutan ang party-list na “NARS” dahil ito ay para sa inyo at ipaglalaban kayo ni Rep. Leah S. Paquiz principal author of the House Bill.
Nagbabala na ang exploitation sa hanay ng nurses ay magpapatuloy kapag i-veto ng Malacañang ang House Bill 151 (Safeguards Against Exploitation of Members of Nurses) at pinagbabawalan ang pagre-recruit ng volunteer nurses, false training, unjust competition at iba pa sa tinatawag na unfair Labor practices.
Para sa benchmark pay sa health workers, huwag kalimutan ang – Ang Nars party-list, lumalaban sa karapatan ng bawat nurse sa bayan natin.
Mabuhay ang mga nurse. God bless us all.
***
Grabe ang pagod at sipag ni presidential candidate Grace Poe nang bumisita sa Baseco compound upang ipakita ang kalinga sa mahihirap nating kababayan sa nasabing lugar.
Kitang-kita talaga na dinaya si FPJ noon at nakikita na seryoso si Grace Poe na ipagpapatuloy ang mga programa ni FPJ para sa mahihirap nating kababayan kaya bubuhayin niya ang legend ng kanyang ama upang siguruhin na No. 1 priority niya ang mahihirap.
Go! Go! Go! Grace Poe!
Sabi ni Grace sa campaign sorties, ang inyong pagdurusa, ang inyong pangarap na makaangat, ang iyong tibay at lakas, ang inyong bayan at pagmamahal sa pamilya, huwag natin sayangin.
Ang mga pangarap ni FPJ sa bayan. Kaya go go go Grace!
***
Huwag din natin kalimutan si Senators Migz Zubiri na maraming nagagawang batas para sa bayan. May puso sa masa at kailanman ay hindi nang-iwan ng mahihirap na kababayan natin. Siya lang ang nakagawa ng napakaraming batas para sa bayan. Migz Zubiri na po tayo, The man with a golden heart.
***
Ang RAM Party-list ni Gen. Danny Lim na lumaban sa bakbakan para sa bayan at katiwalian. Sila ang dapat manilbihan sa bayan na subok na sa public service. Sila ang mga sundalo na nakipaglaban para labanan ang katiwalian sa bansa natin.
Go! Go! Go! Gen. Lim!