Friday , November 15 2024

OFWs alagaan — Chiz (P100-B pondo ipinanata)

042016 FRONT

BILANG pagkilala sa kontribusyon ng overseas Filipino workers (OFWs) sa pambansang ekonomiya, sinabi ni independent vice presidential candidate Sen. Chiz Escudero nitong Lunes na sila ay dapat na pahalagahan ng pamahalaan.

Ayon kay Escudero, ang 2.5 milyong overseas contract workers ay nakapag-aambag ng P1.3 trilyon kada taon ngunit wala pang P1 bilyon ang inilalaan ng pamahalaan para sila ay pangalagaan.

Nais igiit ni Escudero ang panatang tulong mula sa pamahalaan na paglalaan ng P100 bilyon upang itatag ang pension fund at upang tiyakin na sapat ang serbisyong pangkalusugan at proteksiyong legal kahit nasa ibayong dagat ang 2.5 milyon overseas contract workers ng bansa.

“Kailangan nating ibalik sa kanila ang ganitong paninilbihan dahil sila ay karapatdapat,” ayon kay Escudero na idinaing ang maliit na pondong inilalaan sa proteksiyon ng kanilang kapakanan sa kabila ng malaki nilang kontrobusyon sa ekonomiya ng bansa.

“Ano ba ang ibinabalik natin sa OFWs? P200-milyon legal assistance at P50-milyon repatriation fund. Ang budget ng POEA ay nasa P40 milyon. Lahat-lahat na, ang suma ay wala pa sa isang bilyong piso,” daing ng Bikolanong senador.

Sa harap ng mga miyembro ng Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP), sinabi ni Escudero na maaaring umabot sa halos P140 bilyon ang kita ng gobyerno mula sa VAT ng P1.3 trilyong ipinapadala pauwi ng mga OFW, at nararapat lamang na higitan pa ng gobyerno ang serbisyo para sa kanilang kapakanan.

Aniya, sa ilalim ng Poe administration, P100 bilyon ang ilalaan para tiyakin ang portability ng PhilHealth na “maaaring gamitin kahit saan mang ospital sa mundo,” para sa pagtatatag ng OFW pension fund, at pagpapalawak ng programa para sa OFW legal assistance.

Ang pension fund para sa mga OFW ay dapat na maitatag sa pamamagitan ng pamumuhunan mula sa 25 dolyar na ibinabayad ng mga OFW sa OWWA “upang hindi ito maging dagdag na pabigat sa kanila.”

Ang nasabing pondo, ayon kay Escudero, “ang mangangalaga sa kanilang pagtanda.”

Kinabibilangan din ito ng pagpapalawak ng Legal Assistance Fund upang maging bahagi ang pambayad sa “blood money” at karagdagang kawani ng mga embahada sa ibang bansa upang tumugon sa pangangailangan ng OFWs.

Inihalimbawa ni Escudero ang kalagayan sa Saudi Arabia na ang konsulado ay walang sapat na kawani upang tumugon sa mga gawain at pangangailangan ng OFWs sa nasabing bansa.

“Sa Saudi Arabia, ang ratio ng kawani sa OFW ay 1:10,000. Papano pangangalagaan ng isang kawani o opisyal ng konsulado ang 10,000 Filipino?”

Aniya, ang pondong ito para sa OFWs ay hindi dapat ituring na karagdagang gastos kundi nararapat na pamumuhunan o ‘investment’ para sa sektor na pinagkakautangan ng loob ng bansa.

“Pasalamatan natin ang OFWs, dahil sila ang dahilan kung nasaan man tayo bilang bansa sa kasalukuyan.”

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *