Monday , December 23 2024

Jon, proud sa 1st investment — pinag-aaral ang kapatid

00 fact sheet reggeeMAKABAGBAG damdamin ang kuwento ni Jon Lucas kung paano siya napasama sa Star Magic batch 13.

Sa batch 13 ay nakasabayan ni Jon sina Liza Soberano, Julia Barretto, Janella Salvador, Keith Thompson (nag-aaral ng film sa New York University) at iba pa.

Kuwento ni Jon, ”mag-isa lang po ako, pumila po ako sa audience entrance para mag-audition sa Star Magic.

“Tapos, natanggap ako, pinag-workshop na po nila ako ng libre, unang show ko po, ‘Konting Pagtingin’ under Dreamscape (Entertainment) po, bida si Angeline Quinto,” kuwento ni Jon.

Ang Konting Pagtingin ay launching ni Angeline bilang aktres bukod sa pagiging singer kasama sina Paulo Avelino at Sam Milby na umere noong 2013 mula sa direksiyon nina Darnel Joy Villaflor at ang namayapang si Francis Pasion.

Nasubukan na rin ng baguhang aktor na mag-Wansapanataym (Mommy on Duty episode) at sa Got to Believe sa papel na Dominic Zaragoza na naging matunog ang pangalan.

Napasama rin si Jon sa Sana Bukas Pa ang Kahapon, ang unang tambalan ninaBea Alonzo at Paulo Avelino; Be Careful with my Heart nina Jodi Sta. Maria atRichard Yap at iba pa.

Semi-regular naman siya sa We Will Survive nina Melai Cantiveros at Pokwangat regular sa It’s Showtime kasama ang ka-grupong Hashtags.

Dahil kulang sa pera, nagparaya si Jon na maunang mag-aral ang bunsong kapatid na nasa unang taon sa kolehiyo sa kursong Communication Arts sa Miriam College.

“High school palang po natapos ko, kasi naging busy na ako kaya sister ko muna ang pinag-aaral namin,”pagtatapat sa amin ng binata.

Sabi pa, “awa po ng Diyos, hindi naman ako nawawalan ng projects, puro guestings po ako.”

Kapag itinuloy daw ni Jon ang pag-aaral niya ay gusto niyang maging piloto, pero mahal ang tuition kaya Communication Arts na rin daw ang kukunin niya na related naman sa showbiz.

Tubong Taytay Rizal sina Jon pero sa Cainta na sila ngayon nangungupahan for almost two years.

Sa bahay lang ang nanay ni Jon at ahente ng salamin sa mata ang trabaho ng tatay niya, ”nagbebenta ng mga frame ng salamin, nagsu-supply siya ng mga frame sa optical shop.

“Ngayon po, hindi na masyadong malakas kasi nawalan na (kami) ng kotse, eh ‘pag may kotse po, nakakapunta siya sa mga probinsiya, kasi doon malakas,”pagtatapat pa ng baguhang aktor.

At kaya nagsisikap si Jon na makapag-ipon dahil plano niyang bumili ng sarili nilang bahay dahil hanggang ngayon ay nangungupahan pa rin daw sila kaya kailangan niyang kumayod at pambili rin ng sasakyan para may magamit din siya sa pagpunta-punta sa location.

“As of now po, nakiki-stay ako sa condo ng friend ko at nagbibigay ako ng share para mas malapit dito sa ABS kasi everyday nga po kami rito sa ‘Showtime’. Kung mag-uuwian ako sa Cainta, lugi po ako sa pamasahe, tapos trapik pa,” kuwento ni Jon.

Walang ka-loveteam ang binata at kung siya ang papipiliin, ”either Liza Soberano o Sue Ramirez po, kaso mayroon na si Liza kaya sana si Sue na lang nakasama ko na po siya sa (seryeng) ‘Sana Kailangan Kita’.”

Loveless si Jon, ”walang plano po, career muna. Pero ang showbiz crush ko si Anne Curtis po, sa generation ko po kasi wala,” pahayag niya.

Samantala, walang kotse si Jon dahil inuna niyang pag-ukulan ang sinasabi niyang first investment niya, ang pag-aaral ng kapatid.

”Pampa-aral sa kapatid ko, kasi first year palang siya sa college. Bale iyon po ang pinaka-first investment ko, kaya talagang nag-iipon ako kasi mahal sa Miriam,” pag-amin ni Jon.

Mabait na anak daw si Jon at taglay niya rin ang magandang ugaling ito sa trabaho niya dahil nga naghirap siya bago mapasok ang showbiz.

“Wala po kasi akong kakilala noong pumasok ako, walang padrino, pumila po ako sa audience entrance kaya talagang mahal ko ang trabaho ko. Kaya pinagbubuti ko po talaga,” pahayag ni Jon.

At sa tanong kung sino ang sa tingin niya ang pinakamagaling sumayaw sa Hashtags, ”si Zeus (Collins) kasi dancer naman po talaga siya, lahat naman po marunong kasi natuto na, tulad ko.”

Ang pinakasikat daw sa Hashtags, ”si Ronnie (Alonte) po, kasi siya ‘yung pinaka-maingay ang pangalan,.”

Ano ang pakiramdam ni Jon na hindi pa siya sikat? ”Okay lang po, masaya ako para sa grupo kasi never akong nakaramdam ng insecurity. Lahat po kami matagal naming hinintay na makilala, baka siya (Ronnie) lang ‘yung nauna at willing naman po akong maghintay. Basta trabaho lang po ako, kasi kung may inggitan, mabigat na ‘yung trabaho.”

At inamin ni Jon na vocal siya sa ayaw at gusto niya, ”ayaw ko po ng plastic, gusto ko pong magpakatotoo lahat,” sabi pa.

Bumilib din kami kay Jon sa sagot niya kapag hindi siya napapansin ng press o entertainment media kapag may presscon para sa bagong serye.

“Oo, mga kilala lang po ang nai-interview, nakaranas na po ako ng ganyan sa presscon, maraming beses na hindi ako kinakausap, wala lang po sa akin, iniisip ko na lang, nasama ako sa presscon at naging part ako ng project.

“Wala naman po akong magagawa na kasi sa showbiz talaga, palakasan, kahit anong gawin mo sa sarili mo na ibigay ang best mo, kung hindi ka ipu-push ng management, hindi ka talaga mapapansin.

“Hindi ko po masabi kung pinu-push ako, pero thankful po ako kasi napasama ako sa Hashtags.

“Ibig ko pong sabihin na hindi pinu-push, ‘yung ipinakikilala sa (entertainment press), never ko pa po na-feel. Noon po alam ko na talaga na palakasan, kasi nga pumasok akong mag-isa sa Star Magic, walang backer po.

“At naramdaman ko na makakapasok po ako sa ABS base na rin sa faith ko kay God, kasi naniniwala ako na kaya niya ako pinapunta (audience entrance) ng ganitong oras at pinapila niya ako kasi naniwala na ibibigay niya sa akin. Malakas po ang faith ko,” mahabang paliwanag ng binata.

At ang laking tulong nga raw ng Bench kay Jon dahil hindi na siya bumibili pa ng damit at maski sa sapatos ay libre rin dahil binibigyan siya ng Pony shoes.

“Laking tulong nga po kasi ang mahal ng sapatos ngayon, heto po lahat ng suot ko libre,” napangiting sabi ni Jon.

Mukhang makikilala na nang husto ang lahat ng miyembro ng Hashtags dahil may kanya-kanya silang production number sa upcoming album nila produced ng Star Music na isa sa mga araw na ito ay ilo-launch na at magkakaroon ng maraming mall shows hanggang probinsiya.

Pagmamalaki ni Jon, ”Sing and dance po ‘yung album namin, lahat kami kakanta, bale self-titled album po, ‘#Hashtags’.”

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *