Friday , November 15 2024

Ex-vice mayor sa Bulacan utas sa ambush

HINDI na umabot nang buhay sa pinagdalhang pagamutan ang dating vice mayor ng bayan ng Pandi, Bulacan na si Roberto Ruben Rivera makaraang pagbabarilin ng hindi nakilalang lalaki sa Brgy. Manatal sa nabanggit na bayan nitong Lunes ng gabi.

Lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya, lulan ng kanyang pick-up truck si Rivera at pauwi na sa kanilang bahay nang lumapit sa kanya ang suspek.

Pagkaraan ay mabilis na binuksan ng suspek ang pinto ng sasakyan saka limang beses na pinagbabaril ang biktima.

Ayon sa driver ng biktima, hindi niya gaanong namukhaan ang suspek dahil nakasuot ng sombrero at eye glasses.

Makaraan ang pamamaril, naglakad lamang palayo ang suspek at sumakay sa isang tricycle.

Tinitingnan ng pulisya kung may kaugnayan sa politika ang pagpaslang sa dating local official na dalawang terminong nanungkulan bilang bise alkalde noong 1992 at 1995.

Sinisilip din sa imbestigasyon ang posibilidad na may kinalaman sa negosyo ang krimen.

Habang sinabi ng pamilya na wala silang alam na sino mang nakaaway ng biktima.

( DAISY MEDINA / MICKA BAUTISTA )

About Daisy Medina Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *