Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

21st birthday ni Daniel, pinaghahandaan at gagastusan ng fans

00 fact sheet reggeeBILIB kami sa supporters ni Daniel Padilla dahil kaliwa’t kanan ang paghahanda nila para sa 21st birthday ng batang aktor sa Abril 26 na sabi nga nila ay debut na ng aktor.

Matagal na raw pinlano ng mga grupong KathNiel KaDreamers World at Danielistaz na nandito sa Pilipinas at sa ibang bansa ang pagbibigay nila ng party kay Daniel at sa mamahaling venue pa gaganapin.

Magkaibang grupo ang KathNiel KaDreamers World at Danielistaz kaya magkaibang oras at venue rin ang party nila na parehong dadaluhan ni DJ.

Kasama sa mga imbitado ng mga tagahanga si Karla Estrada at mga kapatid nito at siyempre ang love ni Daniel na si Kathryn Bernardo.

Idagdag pa raw ang mga taga-Star Magic na nakatulong kay Daniel.

Kasama rin kaya ang mga bossing ng ABS-CBN?

Nakatutuwa dahil ganito rin ang ginawa ng fans sa tambalang Rico Yan at Judy Ann Santos noon kapag kaarawan ng bawat isa ay super bonggang party ang ibinibigay ng supporters na nakadalo pa kami noon sa Terrace Grill sa Roces Avenue.

Ibang klase ang pagkakaisa ng fans ng aktor dahil maski nasaang sulok sila ng mundo ay talagang may updates sila kay Daniel at willing silang gumastos talaga.

Kaya dapat talagang pasalamatan ng mga artista ang mga supporter nila na talagang gumagastos para sa kanila na walang hinihinging kapalit kundi mapanood sila sa malaking telon at teleserye.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …