Kudos NBI!
Jimmy Salgado
April 19, 2016
Opinion
NAKALULUNGKOT ang mga pangyayaring, mismong mga pulis ang involved sa karumal-dumal na krimen.
Hindi na sila natakot sa Diyos.
Bakit kailangan nilang sirain ang kanilang mga career at ang pambansang pulisya.
Buti na lang may NBI na nagmamalasakit sa bayan at nagbubuwis ng buhay para sa bayan.
Paano na ‘pag ang NBI ay wala, ‘di ba?
NBI na lang ang pinagkakatiwalaan ng bayan.
Mabuti nandiyan si NBI director Atty. Virgilio Mendez na may integridad ang pamumuno. Leadership by example kaya inspirado lahat ng ahente ng NBI na magtrabaho.
Kaya tagumpay ang NBI Anti-Organized Transnational Crime Division na maresolba agad ang Kidnapping with murder case na mga pulis ang suspek.
‘Yan ay thru the hard-work and dedication at sa pamumuno ni Atty. Edward Villarta.
May puso sa kanyang panunungkulan at subok ang paglilingkod sa bayan.
Masyadong mapagkumbaba ang opisyal at maraming training sa abroad sa magagaling na counterparts kagaya ng FBI.
Ang NBI Anti Organized Transnational Crime Division ay subok na sa bakbakan at trabaho. ‘Pag nag-surveillance sila ay pulido na kinabibilangan ng makikisig at hardworking NBI agents na sina chief Manuel Antonio Edwarte, Executive officer Manuel Fayre Jr., SI Joey Guillen, agent on case SA Aris Adolfo, agent on case SA Cathy Nolasco, team leader SI Aldrin ‘pogi’ Mercader, SI Edgardo Kawada SMA Aubren Cosidon, SI Danny Mayani, Agent Jeremy Lontoc, SI Darwin ‘pogi’ Francisco, SI Eduardo Villa, SI Celan Riuera, SI Paul Kenyao, SI Rey Gabionza, SI Armand Eleazar, SI Marvin Villena, SI Rodel Velez, SI Marfil Baso, SI Ross Dantes, SI Elcid dela Rosa.
Ang mga accomplishment ng AOCTD ay di na mabilang at matatawaran.
Sa pangunguna ng butihing NBI Director Atty. Virgilio Mendez, Asst. Directors, Deputy Directors at division chiefs & employees, you’re the best!
God bless us all!
NBI-DID
May isang pro-active at pro-life sa NBI, ito ang Death Investigation Division.
Magaling ang nakikitang pananaw ni Atty. Tetz Laluces na protektahan ‘yung sinasabing sudden death dahil sakop nito at poprotektahan ang buhay ng mga inosente.
Panahon na rin hulihin ng NBI-DID ang mga pekeng gamot na walang BFAD at clearance sa DOH na nagkalat lang sa mga bangketa. Daming buhay ang masasagip nito.
Ganoon din sana mabigyang pansin at kasuhan ‘yung tinatawag na malpractice ng mga doctor na mali ang kanilang findings at ‘di nila alam ang ginagawa.
Buti na lang na may isang Atty. Laluces na nagmamahal sa bayan at hangad maproteksiyonan ang mga tao.
You’re the best Tetz! Good luck!