Monday , December 23 2024

Digong tactless to the max (Kinapos ba ng payo si Kuya Alan?)

 TALAGANG sa sariling bibig nahuhuli ang isda.

‘Yan na!

Mismong sa bibig ni Davao City mayor Rodrigo Duterte lumabas kung anong klaseng ‘animal’ ang ‘naglalamyerda’ sa kanyang utak.

Mantakin ninyong na-gang rape at pinaslang na ‘yung biktimang Australian missionary, sabihin ba namang, “Maganda pala ‘yan, dapat mayor ang nauna.”

Wattafak!?

Mukhang kinapos ‘ata ng payo si Kuya Alan sa kanyang presidentiable.

Ngayon pa lang, dapat talagang ipa-psycho and neuro test ‘yang mga kandidato lalo sa hanay ng presidential and vice presidential bets.

Delikadong ang mailuklok ay isang ‘Idi Amin’ di ba?

Sabihin man ni Digong na nagbibiro lang siya, hindi pa rin ito katanggap-tanggap lalo na sa mga kababaihan.

Isang tao na nabuhay sa kultura ng pagkahalimaw laban sa mga babae ang maaaring magkaroon ng ganyang klase ng pag-iisip.

Imbes humingi ng paumanhin lalo pang pinandigan nang sabihin na siya ay mahirap lang kaya ganoon ang kanyang lengguwahe.

Insulto na naman ‘yan?!

Komo mahirap, hindi alam kung ano ang tama at mali?!

Grabe!

Maraming kinikilabutan kapag nakikita nila ang dami ng mga taong sumusugod sa kanyang mga caucus. Halos mapuno ang kalsada sa kahihintay sa kanya. Halos sambahin siya dahil ang tingin nila, ililigtas sila laban sa mga halang ang bituka at kaluluwa…

Pero dahil sa kanyang mga pahayag, unti-unting nahuhubad daw ang kanyang maskara?

 Tsk tsk tsk…

Ang akala natin si Kris Aquino lang ang taklesa. Kaya kung dati, kapatid lang ng presidente ang taklesa, ngayon kung saka-sakali, presidente na ang magiging taklesa…

Ipag-adya nawa!

God bless Philippines!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *