HINDI na napigilan ni Serena (Liza Soberano) ang kanyang nararamdaman para kay Tenten (Enrique Gil) at tuluyan nang ina-min ang kanyang tunay na damdamin sa number one kilig series ng bayan na “Dolce Amore.”
“I fell in love with the most amazing person na nakilala ko sa buong buhay ko. I fell in love with my friend from Tondo. Mahal kita, Simon. I love you,” sambit ni Serena kay Tenten sa harap nina Luciana at Roberto (Cherie Gil at Ruben Maria Soriquez), pati na ang best friend na si Giancarlo (Matteo Guidicelli).
Talaga namang ikinagulat nang lahat ang pag-amin ni Serena kaya’t nauwi ito sa matinding sagutan sa pagitan ng mag-ina. Nagawa pang sampalin ni Luciana ang dalaga dahil sa lubos na galit.
Inabangan ng buong bansa ang matamis na “I love you” amin ni Serena kaya’t pumalo sa national TV rating na 35% ang “Dolce Amore,” o 20 puntos na lamang sa kalabang programa nitong “That’s My Amboy” na nakakuha lang ng 15%, base sa datos ng Kantar Media.
Umabot din sa higit sa dalawang milyong posts sa Twitter ang nakuha ng official hashtag ng episode na #DolceAmoreILoveYou mula sa netizens na inihayag ang kilig sa pag-amin ni Serena, pati na ang matinding confrontation scene sa pagitan nina Serena at Luciana.
Samantala, makakasama na ang loyal fans ng programa o ‘Amores’ ang sweet journey nina Serena at Tenten sa paglulunsad ng programa ng “Dolce Amore Soundtrip,” o ang official website nitong dolceamore.ph.
Dito masisilip ang teasers, ekslusibong behind-the-scenes photos at videos mula sa programa, pati na ang nakatutuwang “Dolcenary,” na magtuturo ng Italian words at ang kanilang kahulugan sa Filipino.
Masusundan din dito ang adventures nina Serena at Tenten sa pamamagitan ng status updates at playlists ng mga karakter.
Marami pang ibang sorpresang handog ang site, kabilang na ang “The Amores The Sweetest Adventure” promo na maaaring magwagi ng dalawang round trip tickets papuntang Italy ang isang masuwerteng ‘Amore.’
Para sa kompletong detalye at mechanics, pumunta lang sa dolceamore.ph.
Panoorin ang number one kilig series sa bansa na “Dolce Amore” mula Lunes hanggang Bi-yernes sa ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Catch its latest episodes on iwantv.com.ph or skyondemand.com.ph for Sky subscribers. Panoorin nang libre ang latest episodes nito sa iwantv.com.ph o skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers. Para naman sa updates, sundan ang @realdolceamore sa Twitter at Instagram.
NASA TWILIGHT ZONE NA ANG MGA IMPAKTA!
Hahahahahahahahaha! Buti nga, ang mga impakta sa buhay ko ay nasa twilight zone na sa ngayon. Hahahahahahahahahahaha!
Unang-una, hilahod na sa hirap ang reyna ng batian (reyna raw ng batian, o! Hakhakhakhakhakhak!). Ang babaeng wala nang ginawa kundi ang bumati from beginning up to the end of her cheap radio program. Hahahahahahahahahahaha!
Ito lang naman ang nakita kong radio announcer na wah keber sa welfare ng kanyang listeners at bihirang-bihirang magbalita ng mga kaganapan sa show business at puro batian ang show from top to bottom.
At choreographed talaga ang greetings portion niya at ‘yun at ‘yun din naman ang mga binabati.
‘Yun din at ‘yun din ang binabati, o! Cheapanggetch, di ba naman? Hahahahahahahahahahahahaha!
Wala talaga siyang kasawa-sawa sa pagbati. Tipong masakit sa kanyang kalooban kapag hindi niya nababating lahat ng mga taong ‘yun na iniro-roll call niya with each passing day.
Que horror! Harharharharharharharharhar!
Sa totoo, walang-walang substance ang kanyang radio show at gusto niya’y batiin nang batiin ang mga taong mga suki niya siguro.
How gross! Hahahahahahahahahahahaha!
I don’t know why this ugly matrona has this innate penchant for greeting the same persons day in and day out.
Wala talaga siyang kapaguran at halos hinihingal na siya lalo na’t hindi pa nakako-qouta.
Hindi pa raw nakako-qouta, o! Hahahahahahahahahahaha!
Cheap!
No wonder, no one seems to want to listen to her horrendous (horrendous raw, o! Harharharharharharhar!) radio show that caters only to a chosen few. Hahahahahahahahahahahahaha!
To a chosen few lang daw, o! Hahahahahahahahaha!
Mega cheap!
Anyway, Bubonika is now harboring the gross idea that Boss Vic del Rosario would supposedly want to produce her own TV program.
Hahahahahahahahahahahaha!
Such delusions!
Magapatuka ka na lang sa ahas day! Hahahahahahahahahaha!
Tutal, ahas ka rin naman ‘di ba? Tinutuklaw mo ang mga taong nagpala sa ‘yo kapag wala kang makukuha sa kanila.
Di ba naman, Ate Luds! Hakhakhakhakhakhakhakhakhak!
‘Yun nah!
Ito namang plastikadang si Bulong Halimaw ay ganon din ang trip. Magkaiba nga lang silang dalawa dahil TV naman ang medium nitong salaulang matanda. Hahahahahahahahahahaha!
Itong si Lolita Buroka ay nabubuhay lang dahil sa kanyang alog-bateh.
Alog-bateh raw, o! Hahahahahahahahahahaha!
Alisin mo ‘yan at hindi na siya gaganahang mag-host ng isang showbiz oriented program.
Pa’no, super bano naman at walang alam kaya hinahayaan na lang sa kanyang alog-bateh portion. Hahahahahahahahahaha!
Anyhow, the bad news is, up to May na lang daw ang show ng harbaterang matanda.
Harbaterang matanda raw, o! Hahahahahahahahaha!
Pa’no na ngayon ‘yan? How would she survive?
Kung sabagay, marami na rin namang andang naharbat ang salaulang damatan. She can very well survive without her TV program for the
simple reason that she’s pretty loaded. Yakang-yaka niyang mag-survive in tne next ten years without working simply because she has money tucked neatly up her sleeves.
‘Yun nga lang, miserly ang gurang. Mereseng marami na siyang andalu, raket nang raket pa rin siya dahil second nature niya na ‘yun.
So, pa’no na mga gurang? Wala na kayong career kaya maggantsilyo na lang kayo sa silya ninyong tumba-tumba. Hahahahahahahahahahaha!
Babu!
INTERNATIONAL FILM NINA MIKAEL DAEZ AT ANDREA TORRES MAPAPANOOD NA SA GMA
Matapos umani ng maraming tagahanga sa Cambodia ang love team nina Mikael Daez at Andrea Torres dahil sa kanilang mahusay na pagganap sa “Sana Ay Ikaw Na Nga” at “With A Smile,” narito naman sila ngayon para maghandog ng dekalidad na pelikulang pinamagatang “Fight For Love.”
Sa kauna-unahang pagkakataon ay mapapanood ito sa Sunday Night Box Office (SNBO) ngayong Abril 17, at dito makikilala ng mga Kapuso viewers ang mayamang si Marco (Mikael Daez), isang Muay Thai champion dito sa Filipinas na naghahangad na magpunta sa Cambodia para matutuhan ang traditional martial arts nitong Bokator.
Magkakawalay sila ng kasintahang si Angela (Andrea Torres) dahil dito, pero hindi ito dahilan para sa dalagang sukuan ang kanilang pagmamahalan. Makakahanap ng trabaho si Angela sa Cambodia at susundan si Marco para suportahan ang pangarap ng minamahal. Samantala, hinahanap din si Marco ng amang si Mr. Suko na gagampanan ng batikang Cambodian actor na si Tep Rindaro.
Sa pagsisikap ni Marco na matutunan ang Bokator, kakalabanin niya si Sokeat (Khat Vaihang), isang Bokator fighter na laki sa hirap at ang tanging suporta ay nagmumula sa matalik na kaibigang si Sonita (Maes Thorm Sreynai). Mapagtagumpayan kaya ni Marco na talunin si Sokeat sa oras na magharap sila sa loob ng ring?
‘Wag palampasin ang maiinit na bakbakan sa Fight For Love, isang proyektong pinagtulungan ng GMA Network, Cambodian Television Network (CTN) at direksyon ni Ken Simpson, ngayong Linggo (Abril 17) pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho sa GMA.
Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at [email protected] and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.
And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong.
BANAT – Pete Ampoloquio, Jr.