Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nadine, naging back-up singer ni Sarah G.

00 fact sheet reggeeNAGING back-up singer pala ni Sarah Geronimo sa Record-Breaker concert niya noong 2009 na ginanap sa Araneta Coliseum si Nadine Lustre na kasama sa grupong Pop Girls na binuo ng Viva Artist Agency noong kasagsagan ng Korean group.

Ang mga kasama ni Nadine sa Pop Girls ay sina Shy Carlos, Rosalie Van Ginkel, Lailah, at Mariam Baustria (kambal) na buwag na ngayon dahil nagsolo-solo na sila.

Sa Record-Breaker concert ni Sarah G ipinakilala isa-isa ang miyembro ng Pop Girls pagkatapos ng production number nilang Nobody.

Nakita namin ang Instagram account ng mommy ni Nadine na si Gng. Myraquel Paguia-Lustre o @myplustre na naka-post ang maraming video clips ng anak ng mga show kasama ang Pop Girls na in-upload naman ng JaDine fanatics.

Nagse-senti ang mama ni Nadine sa pinagdaanan ng anak kaya siguro niya ipinost ang mga ito, @myplustre, “#throwback #popgirls #nadinelustre #sarahgeronimo.

After seven years ay heto at sikat na si Nadine kasama ang boyfriend at loveteam niyang si James Reid na nagsimula sila sa Diary ng Panget at sinundan ng Talk Back, You’re Dead.

Sa kilig seryeng On The Wings of Love ang pinakamalaking break ng dalawa dahil first teleserye nila ito at kinagat kaagad ng tao.

Samantalang si Sarah G ay nilimitahan ang sarili sa paglabas  sa telebisyon dahil ASAP20 lang ang gusto nitong programa at tuwing araw ng Linggo lang siya mapapanood.

Hindi naman isinasara ni Sarah na puwede siyang tumanggap ng pelikula depende raw sa istorya.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …