Monday , March 2 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Baby idinamay ng tatay na nagbitay (Nanay bumalik sa unang pamilya)

NAGA CITY – Natagpuang nakabigti ang isang 22-anyos lalaki at kanyang apat buwan gulang na sanggol sa bayan ng Basud, Camarines Norte, kamakalawa.

Ayon sa ulat ni Chief Insp. Rojelyn Calandria, hepe ng Basud PNP, iniwan ng live-in partner niya si Don-Don Ebdani, dahil sa problemang pinansiyal.

Hindi matanggap ni Ebdani na nakikipaghiwalay sa kanya ang kanyang kinakasama na nagpasyang bumalik sa una niyang pamilya at mga anak.

Tumanggi si Ebdani na ibigay ang kanilang anak na babae sa kanyang live-in partner at sinabing ibibigay lamang ang sanggol kapalit ng pakikipagbalikan sa kanya.

Natagpuan na lamang ng ina ni Ebdani ang kanyang anak at apo na nakabitin sa kisame gamit ang nylon rope sa kanilang bahay sa Brgy. Pinagwarasan sa nasabing bayan.

Ayon kay Calandria, wala silang nakitang foul play sa insidente.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

fetus sewage NAIA

Fetus sa sewage facility ng eroplano nadiskubre

NATAMBAD sa mga awtoridad ang isang fetus sa loob ng sewage treatment facility ng isang …

PDEA BoC Customs

Gera vs droga pinaigting pa ng PDEA, BOC

HIGIT na pinaigting ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Bureau of Customs (BoC) ang …

SCO LTFRB A and B Liner

PUV passengers 3 oras pinaghintay, LTFRB nag-isyu ng SCO vs bus company

PINAGPAPALIWANAG ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kasabay ng pagpalabas ng Show Cause …

Bauertek Congress

Congress committee supports medical cannabis

Richard Nixon Gomez, General Manager of Bauertek Farmaceutical Technologies, and Rigel Gomez, President of the …

BatStateU DPWH

BatStateU hosts DPWH Campus Job Fair, explores research collaboration

BATANGAS CITY—Department of Public Works and Highways (DPWH) in partnership with Batangas State University, The …