Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sarah, nahirapang sagutin kung nagtampo at umalis nga ba siya ng kanilang bahay

00 fact sheet reggeeMAY nagtanong sa amin kung bakit walang Viva representative o ang manager ni Sarah Geronimo na sina Boss Vic del Rosario at Veronique del Rosario-Corpus sa ginanap na renewal of contract sa ABS-CBN noong Lunes dahil tanging ang daddy Delfin ni Sarah ang present kasama ang bigwigs ng nasabing TV network.

Kuwento sa amin ng taga-Dos ay male-late lang daw si boss Vic, pero hindi na nahintay dahil may ibang appointment pa raw ang ilang boss na nasa contract signing.

Hmm, may tampuhan kaya sina boss Vic at Sarah dahil sa hindi pagtanggap ng dalaga ang programang The Voice Kids 3? O may iba pang dahilan?

Baka naman umiwas si boss Vic sa entertainment media dahil baka matanong siya tungkol sa isyu ni Sarah sa magulang niya at kay Matteo Guidicelli?

Samantala, may itinatago ba ang aktres dahil noong tinanong ni Mario Dumaual ng TV Patrol kung totoong nagtampo siya at umalis ng bahay nila si Sarah ay magalang na sinabi nitong huwag pag-usapan ang mga personal na bagay.

Sa madaling salita, totoo kasi kung hindi totoo, puwedeng itanggi tulad ng pagtanggi niya sa tsikang live-in na sila ni Matteo, kesyo buntis at engaged na bukod pa sa may sariling condo unit na.

At dahil maganda ang pakiusap ni Sarah kaya iginagalang din namin ang pakiusap niya na huwag ng pag-usapan.

At least hindi nag-walk out si Sarah dahil hindi niya nagustuhan ang tanong, ‘di ba Ateng Maricris?

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …