Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pag-iyak ni Arjo noong Lunes sa Ang Probisyano, effortless

00 fact sheet reggeePINATAY na ang karakter ni Bela Padilla bilang Carmen sa FPJ’s Ang Probinsiyano  at iisa ang tanong ng viewers, ‘bakit pinatay si Carmen?  May bago na ba siyang show?’

Oo nga, bakit nga ba, eh, ‘di ba isa siya sa major cast?

Ang paliwanag sa amin ng Dreamscape staff, ”Hi Ms Reggee, ‘yun po kasi ang story talaga. Bela’s character ‘Carmen’ has already been extended. Salamat po.”

Sayang naman dahil hindi man lang nalaman ni Carmen kung paano at bakit namatay ang asawa niyang si Ador na kakambal ni Cardo bilang si Coco Martin.

Si Tomas (Albert Martinez) ang bumaril kay Carmen dahil nabuking na niya kung anong klaseng negosyong mayroon ang pamilya ni Joaquin (Arjo Atayde) bagay na hindi puwedeng palampasin ng tatay ng asawa niya.

At dahil dito ay nakiusap si Joaquin sa tatay niya na huwag patayin ang asawa dahil mahal na mahal niya at kahit anong utos ng ama ay susundin niya huwag lang mawala sa kanya si Carmen, pero huli na ang lahat dahil nangyari na.

Tulad ng viewers ay nadala rin kami sa eksenang umiiyak na nagsusumamo si Arjo kay Albert para sa buhay ni Bela.

Ang mga narinig naming komento, ”Ang galing umiyak ni Arjo, grabe ramdam mo ‘yung pag-iyak niya at effortless.”

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …