KUMAKANDIDATO si Grace Ibuna bilang representative ng Melchora Partylist na tutulong sa mga problema ng kababaihan.
Ayon kay Grace ay base sa experience niya kaya tinanggap ang alok na maging representante ng Melchora.
Aniya, ”alam naman po lahat ang buhay ko, na-realize ko po sa journey na dinaanan ko for the few years na wala palang difference kung ano ang social class mo, mahirap ka, mayaman ka, may kaya ka whoever, iisa ang problema, iisa ang sakit.
“’Pag iniwan tayo ng asawa natin, pare-pareho tayong nasasaktan, ‘pag manganganak ang mga kababaihan, pare-pareho tayong umiire, so I think, ang idea namin is i-walk thru ang kababaihan sa pinagdaraanang hirap.
“Alam n’yo po, kung wala akong strong support system, baka bumigay na rin ako, I am just an ordinary woman living in an extraordinary life. Isa rin po akong babae na gumigising tuwing umaga, nag-aalaga ng tatlong anak, kumakayod para maglagay ng pagkain sa ibabaw ng lamesa, makapagbayad ng tuition fee nila taon-taon and God knows kung paano ko ginagawa ito sa tulong ng Panginoong Diyos.
“Mananalangin kayong bigla at magpapasalamat dahil you feel blessed sa sarap ng buhay na mayroon tayo.
“Some people have nothing at ALL, some of the children in the provinces go to school na walang gamit at nakatapak lang.
“You know, I teach my kids by example, kapag sila (mga anak) nagrereklamo, I always tell them, ‘hoy, bago kayo magreklamo tumingin muna kayo sa kapwa n’yo.’ Sabi ko rin, you have too much slippers anak, when some people couldn’t even have ONE and some people may have slippers but have no FEET.
“Kaya ito pong pagbuo namin ng Melchora ay gusto po naming suportahan ang mga kababaihan dahil unang-una po sa aking ekperyensiya.
“Ang ating mga ina ang humuhubog ng ating mga anak. Kung hindi po natin susuportahan ang single parents or unwed mother, battered wives, vulnerable women, anong mangyayari sa ating mga kabataan na iniisip nating sila ang pag-asa ng ating bayan.
“When a mother is happy, they raise a happy kids, when a mother is desperate, they might create delinquent or drug addict kids. We all know that for a fact and they all need support.
“Hindi ko po kayo inoobliga o inaasahang magmartsa dahil mahal na ang sunblock ngayon (biro ni Grace), magpapatsi-patsi po tayo kapag naarawan tayo kaya ang hinihingi ko lang pong suporta ay palawigin natin ang layunin ng Melchora.
Biniro naman si Grace kung hiningan niya ng suporta ang tatay ng anak niyang si Garrie na si Gabby Concepcion, ”ay hindi, baka mahal maningil,” natawang sagot nito.
FACT SHEET – Reggee Bonoan