Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cristine, hirap sa paglilihi kaya payat at humpak ang pisngi

00 fact sheet reggeeBUNTIS nga ba si Cristine Reyes ng dalawang buwan?

Huli na kasi nang may mag-text sa amin na buntis daw ang aktres na bida sa pelikulang Elemento kaya hindi namin ito naitanong during the presscon.

Pero maraming nakapuna kay AA na payat siya at humpak ang pisngi bagay na hindi naman ganito ang hitsura niya noong buntis siya sa panganay niyang si Amara?

Baka naman kasi kulang sa pahinga ang aktres dahil nga nag-segue siya sa taping ng Tubig at Langis at shooting ng Elemento tapos pagdating ng bahay, aasikasuhin pa niya ang asawa’t anak.

Kuwento pa na nahihirapan daw maglihi si Cristine kaya iba ang hitsura niya.

Anyway, nagpapasalamat ang aktres sa ABS-CBN dahil ipinagtanggol siya sa gusot nila ni Vivian Velez na kasalukuyang nasa ibang bansa.

Kinumusta namin si Cristine pagkatapos ng gusot nila ng beteranang aktres, ”okay ba ako? Siguro, I’m blessed to have the people around me to support me and made me realize that this business is really sometimes cruel, but then, I have to be surrounded with people that truly cares for me.”

At ang natutuhan daw niya sa nangyari, ”sometimes it is better to be quiet.”

Samantala, base pala sa true-to-life story ang Elemento na isinulat ni Direk Mark Meily na nangyari sa anak niya noong limang taong gulang pa lamang ito na nakakakita ng elemento sa eskuwelahan nito.

Mapapanood na ang Elemento sa Abril 6 mula sa direksiyon ni Mark Meily at produced ng Viva Films at kasama rin sa pelikula sina Jake Cuenca, Albert Silos, at Elizabeth Oropesa.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …