WALANG balikang nangyari kina Zanjoe Marudo at Bea Alonzo, ito ang sabi sa amin ng taong malapit sa dalawa.
Base kasi sa mga na-posts na litrato nina Zanjoe at Bea sa isang event, nakitang magkatabi o magkaharap sila at kuwento rin ng mga nakakasama nila ay masaya at nag-uusap na.
“Magkaibigan po kasi sila, hindi naman sila magka-away na naghiwalay, they’re really good friends ever since bago rin sila naging mag-boyfriend/girlfriend. Kaya hindi nawala ‘yung magandang samahan nila. Ang nawala lang ay ‘yung pagiging mag-dyowa nila,” pahayag sa amin.
Sa tanong namin kung nagpaparamdam ba ang aktor na balikan ang aktres?
“No idea po, hindi kami nagtatanong at hindi rin naman nagkukuwento,” sabi sa amin.
At least malinaw na.
FACT SHEET – Reggee Bonoan