Thursday , December 19 2024
Manila, Philippines-Jennelyn Mercado interviewed by the media during X Rhodora press conference in Quezon city,northeast of Manila pm 20 January 2013.. (Czeasar Dancel/NPPA Images)

Loyalty will bring you good graces

SA dinami-rami pala ng alaga ni Madam Becky Aguila, isa lang si Jennylyn Mercado sa mga nagtagal.

‘Yung iba kasi, nang lumipat ng network ay nawala na rin sa kanya pero si Jennylyn ay nanatiling loyal kaya naman sinusuwerte siya dahil marunong tumanaw ng utang na loob.

Anyway, in the can na ang movie nila ni John Lloyd Cruz na “Just the Three of Us” under the direction of the very meticulous Cathy Garcia Molina na may tentative showing na sa April 27.

Excited din si Jennylyn sa bagong soap niya sa GMA 7 na malapit nang simulan. Pero kung totoong in that very interesting stage siya, pa’no ang projects niya sa GMA 7? Well, that remains to be seen.

‘Yun na!

MAS INI-ENTERTAIN ANG PAKIKIPAGBALIKAN SA EX KAYSA I-ENTERTAIN ANG BAGONG SUITOR

Parang hindi natuloy ang intimacy ng dalawang aktor at aktres na buong akala ng mga tao’y magliligawan na.

Parang binuhusan kasi ng malamig na tubig ang supposed intimacy ng dalawa dahil na-realize siguro no’ng girl na better off naman siya sa kanyang dating boyfriend na bagama’t hindi naman perfect ay ‘di hamak na mas sincere compared sa sawaing aktor. Sawaing aktor daw, o! Hahahahahahahahahaha!

Totoo naman. Napakasawain ng aktor na idinaraan sa pagbibigay ng mga mamahaling kotse ang kanyang panliligaw. After which, pagkalipas ng dalawang taon, ay lalamig na ang kanyang panunuyo and would begin to scout for another lover. Hahahahahahahaha!

How so very amusing!

Anyway, tinigilan na raw ng magandang aktres ang pag-i-entertain sa pabling na aktor at parang she is beginning to give her live-in boyfriend another chance. Well, mas ideal naman talaga ang kanyang former boyfriend as compared to her new suitor.

For one, mas sincere naman ang dating lover niya at mararamdaman ang kanyang sincerity unlike sa isang obvious namang naglalaro lang because he has the money and the influence as well.

Anyhow, it is a good decision. Ang sabi nga niyan, the original is always first!

‘Yun nah!

IBA ANG GALING NI COCO

Napaka-versatile. Coco Martin is indeed one actor who feels his role and who knows how to give the proper shade of emotion to the demands of the role he’s breathing life into.

Kahit ano pa ang kanyang role, he never disappoints for he always delivers.

Tulad na lang dito sa Ang Probinsyano, lagi na ay dalang-dala niya ang mga tao dahil his performance oozes with sincerity. Ramdam na ramdam nila ang kanyang emosyon in every scene he delineates for he’s always real.

Never mo siyang mahuhulihan ng fake na emosyon. Lagi na’y makatotohanan ang kanyang pagbibigay buhay at tagos sa puso.

‘Yan siguro ang dahilan kung bakit gustong-gusto siya ng mga tao. Oo nga’t he’s not so tall but he becomes a giant of his personality the very moment he emotes.

Mabuhay ka, Coco! Loves ka namin.

PARANG MAGKABARKADA LANG!

Ang sweet-sweet tingnan ng friend kong si Maria Toda at nang kanyang magandang anak na si Maiko Toda. They are mother and daughter and yet you’ll have the impression that they are plain barkada.

Hindi siya demanding at pakialamera at very compassionate at nagbibigay lang ng kanyang opinyon kapag kapag kinakailangan. Kumbaga, cowboy na mom si Maria kaya naman lumaking matitino ang kanyang mga anak.

Si Maiko na lang ay very protective sa kanya and you’ll have the impression that Maria has done a great job in rearing her up. Congratulations!

Sa ngayon pala, uuwi sina Maiko sa Pinas para gumawa ng isang indie movie. Excited na excited na siya dahil first time niya itong umarte kaya naman nanginginig siya dala ng anticipation.

Don’t you worry Maiko dear. Everything is going to be all right.

‘Yun na!

MATITIGBAK NA NAMAN ANG SHOW NI LOLITA BIGLANG CHAKAH!

Hahahahahahahahahahahaha! The last laugh is basically mine. Predictably so, because it’s very much wanting of revenues, the show of Lolita Biglang Chakah is slated to get axed sometime in May. Harharharharharharharhar! How so very nice! Hahahahahahahahahaha! Papano ba naman kasi panonoorin ang show ni Lolita Buroquieta na puro alog-bateh na lang. Puro alog-bateh na raw, o! Hahahahahahahahahahahaha! Pa’no naman, she’s the devil’s encarnate. Wala ng ibang ginawa kundi manglamang sa kanyang kapwa at isnabin at gawing miserable ang buhay ng mga GAKA. Hakhakhakhakhakhakhakhak! Kami na lang ay ginagawa talaga niya ang lahat para maharangan kami at gawing miserable ang aming buhay. Hahahahahahahahaha! How gross! Grabe kung mangharang ang impaktang ito. Bawat maliit naming pagkakakitaan ay hinaharangan tapos pag nalalait, parang asong ulol na humahabol-habol. Hahahahahahahahahaha! Kasukah! Gustung-gustong itigil namin ang paglait sa kanya pero patuloy naman ang pailalim na panghaharang sa amin sa Tunay na Buhay at Ang Pi -naka, not to mention some of our little earnings on the side. Karumal-dumal talaga ang impaktang ito, bakit hindi pa ito tinatablan ng bad karma at nang mawala na sa eksena’t makaalagwa naman ang aming career? Impakta sa dilang impaktaaaaaa! Anyway, comeuppance has its own retribution. I’m sure na sa susunod na programa ng GMA ay hindi na masyadong prominent ang kanyang papel. Baka gawin na lang siyang tagwalis ng studio or gawing water matrona. Water matrona raw, o! Hahahahahahahahaha! Bagay na bagay! Hahahahahahahahaha! Anyway, like I said earlier, hanggang May na lang yata ang show nila at papalitan na naman ito ng iba. Buti nga! Buti nga raw, o! Hahahahahahahahahahaha! Ganyan talaga, magtanim ka ng hangin at bagyo ang iyong aanihin. Pagkasama-sama mong impakta ka, dapat ka lang makaranas na maglupa at mawalan ng trabaho. Magdusa kang walanghiya ka. 1980’s palang ay hinarangan mo na kami at panahon palang ni Bhoy Navarette ay winawalanghiya mo na kami sa konting kinikita namin doon sa tao. Kesyo sayang lang ang ibinabayad sa amin ni Bhoy dahil wala namang ROI. Baboy ka talaga sa dilang baboy! Salabusab! Anyway, now that Bhoy is no longer in vogue, saan ba nagsisipsep ang impaktang gurang na ‘to kundi sa hairdesser ni Marian Rivera. I just don’t know why this cheap gurang is envious of us when we don’t have much money and she has all the loots in the world. Pero pasasaan ba’t dadapurakin din ang baboy na ‘to ng bad karma. And when that time comes, sa amin ang huling halakhak. Hahahahahahahahahahahahahaha! Malapit na, demonya. Amoy na amoy ko na ang iyong downfall. Magdusa ka kasama ang iyong mababahong aso! Hahahahahahahahahahaha! Babu!

Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at [email protected] and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here. And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong!

BANAT – Pete Ampoloquio, Jr.

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Dominic Roque Sue Ramirez

Dominic kinompirma relasyon kay Sue, ibinandera sa isang party

NGAYONG idinisplay na rin ni Dominic Roque si Sue Ramirez sa isang Christmas Party sa ineendoso niyang fuel company, …

Bong Revilla Jr Tolome Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Bong kaya pa ring tumalon, mag-dive sa ere, makipagbakbakan

HARD TALKni Pilar Mateo HINDI pa rin talaga mawawala sa mga tanong kay Senator Ramon ‘Bong’ …

Marco Gallo Heaven Peralejo

Heaven at Marco ‘hiwalay’ muna ngayong Pasko 

I-FLEXni Jun Nardo BAD break up ang nangyari kina Heaven Peralejo at aktor boyfriend nito. Naging mitsa …

Vilma Santos Liza Araneta Marcos Tirso Cruz III Christopher de Leon

Unang Ginang Liza Marcos pangungunahan pag-angat naghihingalong industriya ng pelikula 

HATAWANni Ed de Leon NGAYON lang yata muli tinitingnan nang husto ng gobyerno ang entertainment …

Yasmien Kurdi Ayesha

Yasmien, Sec Sonny magkikita pambu-bully sa anak pag-uusapan 

HATAWANni Ed de Leon MAKIKIPAGKITA at handang makipagtulungan ang aktres na si Yasmien Kurdi sa DepEd na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *