NAGSIMULA nang gumiling ang kamera para sa pelikulang Area ng BG Productions International ni Ms. Baby Go. Ang pelikula ay mula sa pamamahala ni Direk Louie Ignacio at tinatampukan nina Allen Dizon, Sancho delas Alas, at Ai Ai delas Alas.
Buwena-manong shooting nila ay naging madugo agad. Literal na madugo sa araw mismo ng Biyernes Santo dahil kinunan ni Direk Louie ang mga actual na nagpepenitensiya sa Pampanga sa natu-rang Banal na Araw.
Nagulat kami nang nalaman naming tinotoo ni Allen ang eksenang kailangan si-yang magpenitensiya. Kaya inusisa namin si Allen thru Facebook kung sino ang nag-convince sa kanya na totohanin ang eksena.
“First time ko pong ginawa iyon. Bale kasi, tinanong ni Direk Louie Ignacio kung kaya ko po, so pumayag ako,” sagot sa amin ng multi-awarded aktor.
Gaano kahirap at kasakit iyon?
“Masakit sir, pero namamanhid naman po. Siguro inabot kami ng mga four hours sa pagpe-penitensiya ko,” wika pa niya sa amin.
Kamakailan lang ay nanalo na namang Best Actor si Allen sa katatapos na 4th Silk Road Film Festival sa Dublin, Ireland. Bale, back to back na panalo ito ng morenong aktor dahil last year ay siya rin ang nagwaging Best Actor doon para sa Magkakabaung (The Coffin Ma-ker) ni Direk Jason Paul Laxa-mana.
Sa aming pag-uusisa kay Allen, nalaman namin na ang ipi-napalo niya sa kanyang likod na tulad din ng ibang totoong nagpepenitensiya ay parang maliit na latigo, pero may tinilad na kawayan ito sa dulo.
“Tama iyon sir, pero walang blade or bubog ang dulo nito. Bale ang ginagawa nila, susu-gatan ng blade sir. Tapos iyon na ‘yun, dapat lang na huwag kang titigil sa paghampas para ‘di magsara iyong sugat.”
Dapat daw ay maligo sa dagat after ng penitensiya para mas madaling maghilom ang mga sugat, ngunit hindi niya nagawa dahil wala raw dagat sa kanilang lugar.
“Dapat ngang maligo sir, pero walang dagat dito sa Pampanga. Parang cleansing na rin iyon kaya need maligo.”
Sinabi ni Allen na inisip niya na talagang hindi siya uma-acting sa harap ng camera habang ginagawa ang paghampas sa likod niyang duguan talaga.
“Ang inisip ko talaga habang ginagawa ko iyon, nagpepe-netensiya talaga ako para talagang natural at totoo ang da-ting. Ginawa ko iyon para mas maging realistic at mas ma-feel ang eksena. Minsan lang din kasi po dumating ang mga ganitong pagkakataon sa mga tulad kong artista.”
Idinagdag ni Allen na sobra siyang natutuwa sa mga nangyayari sa kanyang career, lalo’t gagawa siya ng international movie very soon.
“Sobrang happy at proud po ako, lalo na at kakaiba naman ito. True to life story kasi ito, kaya ibang challenge naman para sa akin,” saad ng masipag na talent ni Dennis Evangelista.
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio