Concocted lang pala ang kuwento tungkol sa pagmamaldita raw ni Nadine Lustre sa show nila sa abroad ni James Reid.
Nag-sorry na ang impaktang nanira sa kanya at inaming wala naman daw siya roon at gawa-gawa lang niya ang mga pangyayari.
Kaya naman hindi dapat pinaniniwalan ang mga nasusulat sa internet. Gusto lang sira-siraan si Nadine dahil she’s on top of the heap and some are pretty envious of her.
Anyway, hinihintay ng kanilang mga tagahanga ni James Reid ang muling pagsasama nila sa isang soap ng Dreamscape.
Baka raw sometime in May or June umire na ito.
Good luck, Nadine. You surely are being missed by your fans, along with your boyishly appealing boyfriend James Reid.
BANAT – Pete Ampoloquio, Jr.