SA Hawaii, USA nga ba nagbabakasyon sina Kris Aquino at mga anak na sinaJosh at Bimby?
Ito kasi ang hula ng mga follower ni Kris sa Instagram nang mag-post siya ng mga litrato nilang mag-iina.
Matatandaang hindi binanggit ng Kris TV host kung saan sila pupuntang mag-iina pero base nga sa post ay parang nasa tropical country sila.
Puwedeng nasa Pilipinas lang dahil sa mga punong nasa paligid na katulad din ng puno sa atin at may mga bulaklak ng bonggambilya rin na marami rin dito.
Inisip nga namin na baka nasa Baguio or Tagaytay lang ang mag-iina, pero nag-post naman din ang Queen of All Media na sumakay sila ng eroplano.
But since may post si Kris na naka-jacket silang mag-iina ay malamang nga na nasa ibang bansa sila at posibleng nasa Hawaii.
Samantala, base sa follower ni Kris sa IG ay iisa ang sinasabi nila, sobrang nami-miss na nila ang TV host at ang programang Kris TV.
Ganoon din naman si Kris na pakiramdam namin ay nami-miss din niya ang showbiz dahil panay din ang update niya tungkol sa kalagayan niya at kung ano ang itinerary nilang mag-iina.
Post ni Kris noong Sabado, ”I said I’d give you updates during my wellness vacation. We toured here early this week- unfortunately the boys & I had a bad allergic reaction to the high pollen count & we all had sinusitis & sore throats until Wednesday. (Update #1),”
Sinundan pa ng, ”walking, enjoying the fresh air, and our family bonding. (Update #2) #MyWellnessJourney.”
At noong Linggo ay nag-post si Kris na pinanood nila ang pelikulang Batman vs Superman Dawn of Justice.
“We watched ‘Superman vs Batman Dawn of Justice’ yesterday. I think I enjoyed even more than my 2 boys.#wonderwomanfangirl.”
Kinagabihan naman ay dumalo sila ng Easter Sunday mass, ”tonight we attended the faith inspiring Easter Vigil Mass. My 2 were a bit freaked that the Church was dark for the 1st 45 minutes, but the choice of songs of praise & worship made the 2 hours feel just right.
“HAPPY EASTER TO ALL. God bless you. Let’s celebrate our Risen Lord & Savior Jesus Christ. (Bye for now IG Friends, I’ll focus on my sons & #MyWellnessJourney.”
FACT SHEET – Reggee Bonoan