NOONG umamin sina James Reid at Nadine Lustre na may relasyon na sila ay nagbunyi ang kanilang mga tagahanga. Natupad na kasi ang wish ng mga ito na mapunta sa totohanan ang loveteam ng dalawa.
Pero may mga hindi pa rin naniniwala na may relasyon na nga sina James at Nadine. Ginawa lang daw nila ang pag-amin for the sake of their loveteam.
Hindi naman daw talaga type ni James si Nadine, hanggang pagtinging kaibigan lang daw ang nararamdaman nito para sa dalaga.
Well, ‘Yun ang opinion ng iba. Pero para sa fans ng JaDine, paniniwalaan nila kung ano ang inamin ng dalawa tungkol sa kanilang relasyon.
Aware naman si Nadine na maraming nagdududa na totoong may relasyon na nga sila ni James. Pero ang reaksiyon ng dalaga, ”Kung ayaw nilang maniwala, eh di okay, bahala kayo!”
MA at PA – Rommel Placente