Pinagpayuhan daw ng mga netizens si Cristine Reyes na huwag nang sasagutin pa ang mga succeeding statements ni Vivian Velez sa kanyang facebook account dahil nagbe-benefit daw ang veteran actress since mas nangangailangan ng publicity compared kay Cristine. Hahahahahahahahahahahahaha!
Look who’s talking! Hindi naman si Vivian addicted sa mga publicity at so far, siya lang naman ang instance na naging open siya tungkol sa kanyang emosyon sa mga nakatatrabaho niyang mga aktres.
As far as I know it, Vivian has never been vocal about her sentiments with an actress she has worked with.
Kumbaga, marunong siyang rumespeto sa kanyang kapwa kaya naman nagtagal siya sa industriya.
Imagine, mid-80s pa siya nang magsimula mag-artista and yet, there never was an instance when she would have some friction or squabble with other actresses.
Kay Cristine lang siya nawalan ng poise dahil impakta nga at hindi uso ang respeto sa kanya. Hindi raw uso ang respeto, o! Harharharharharharharhar!
Tulad nga nang sinabi ko, kung ang nanay niya at nakatatandang kapatid ay nagagawa ni-yang taray-tarayan nang walang patumangga, bakit naman niya irerespeto si Vivian, aber?
Come to think of it, wala namang nagtatanggol sa kanya kundi ang mga pralalings ng kanilang soap na lampaso to death na ng soap nina Bea Binene na makabago at napapahon ang takbo ng kuwento at hindi ba tulad ng sa Langis at Tubig na panahon pa nina Vilma Santos at Amy Austria nauso. Panahon pa raw nina Vilma at Amy Austria nauso, o!
Harharharharharharhar! In short, it was some two decades ago when it was first made into a movie that is why the new generation of televiewers just can’t relate to it anymore.
Just can’t relate to it any more raw, o! Harharharharharharhar!
Kita n’yo na nga ‘yung nangyari roon sa isang soap sa kabilang network na ganon din more or less ang genre, bagama’t napakahusay ng aktres hindi niya nagawang mapag-rate ito.
Pa’no, pagod na rin ang direktor at luma na ang material.
Ang ending, butata! Butata raw, o! Hahahahahahahahaha! Dapat kasi, bago ang material para naman hindi masayang ang talino ng mga aktor at aktres na gumaganap dito.
Going back to Tubig at Langis, buti pang tapusin na nila ito at palitan ng mgas preskong TV soap para naman gumanda ang ratings nila.
Gumanda raw ang ratings nila, o! Hahahahahahahahahahah!
In stark contrast, pulling ahead ang soap nina Bea at Derrick Monasterio dahil bukod sa fresh at hindi pa gasgas ang material, napakahusay pang aktres ni Bea kaya bonggang-bongga ang following nito. Huwag na kayong umangal pa dahil ngetpalites ang soap n’yo at hindi maka-relate ang mga otawzing sa napakanipis n’yong story line.
‘Yun lang! Hahahahahahahahahahaha! Babetchbetch mga lola! Harharharharharharhar!
And speaking of Bea Binene, napukaw agad ang atensiyon at nagmarka sa puso ng TV viewers ang kanyang karakter bilang Ana sa Hanggang Makita Kang Muli.
Awang-awa sila sa magiging kapalaran nito na naging isang feral child.
Hangang-hanga rin sila sa pagganap ni Bea sa challenging role na ito na naging asal “hayop” dahil ikinulong sa isang barn nang matagal na panahon na ang tanging kasama lamang ay aso. Awang-awa rin sila kina Raymart Santiago at Angelika dela Cruz na magulang ni Bea sa serye dahil sa pangungulila sa anak.
Kumento nga nila ay pang-best actress ang role ni Bea sa programa kaya naman very overwhelmed at flattered ito sa magagandang feedback kahit kasisimula pa lang ng Afternoon Prime series.
MAY PASABOG ANG IST MR. GAY WORLD PHILIPPINES
May pasabog ang 1st Mr. Gay World Philippines 2009/businessman na si Wilbert Tolentino dahil siya ang bagong National Director ng prestihiyosong pageant na ito. Ipadadala niya sa Malta ang representative ng Pilipinas na si Christian Laxamana na gaganapin sa April 19 -23, 2016. Naging first runner up ng “Pogay” sa It’s Showtime si Christian. Bakit si Wilbert na ngayon ang organizer ng Mr. Gay World Philippines? “This year po ay ibinigay sa akin ‘yung contract as a national director ng Mr. Gay World kasi hindi na po nag-renew ‘yung previous na organizer. January lang na-award sa akin kaya wala na akong enough time para mag-National pageant. So, in-appoint ko ‘yung 14th Annual Search ko ng Mr. F na nagpi-present ng gay community … kinuha ko si Christian Laxamana dahil siya ang latest na nanalo,” pakli ni Wilbert. “I think capable naman siya kasi as an educator, marami siyang maitutulong dito sa gay community lalo na sa LGBT community.” Ano ang objective niya kaya tinanggap niya ang pagiging National Director? “Para makapag-contribute ako in my own little way sa gay community na at least nagi-exist tayo. At saka may participation tayo kasi ang Mr. Gay World ay naghahanap ng speaker sa HIV awareness lalo na sa panahon ngayon. Dumarami ‘yung mga HIV victims ngayon,” sambit pa niya. And speaking of Christian Laxamana, the guy is oozing with excitement with the prospect of joining the contest. Nag-undergo raw siya ng training para maging physically fit siya sa sasalihang kompetisyon. He also feels that his mom, who passed away recently, would be guiding him in the contest proper. Bagama’t hindi siya gaanong katangkaran, (he stands 5 feet, eight inches on his barefoot) may kakaibang charisma at sex appeal itong si Christian. Sana nga ay manalo siya sa 1st Mr. Gay World. I honestly believe that he’s got the charm and charisma, not to mention the talent, para manalo siya sa all male competition na ‘to. Samantala, para sa additional info ng Mr. Gay World, ang President ay si Eric Butter at Chief Executive Officer ay sina Dieter Sapper at Emanuel Wiehl. Si Igor Scheurkogel ang Asia Director ng Mr. Gay World at Executive Director ng Mr. Gay World Taiwan.
Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at [email protected] and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here. And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong!
BANAT – Pete Ampoloquio, Jr.