Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Amazing: Penguin bumabalik kada taon sa taong nagligtas sa kanya

NAGING hit sa internet ang kuwento tungkol sa isang penguin na lumalangoy pabalik sa Brazilian island kada taon upang makita ang lalaking nagligtas sa kanya.

Ang ibon, isang South American Magellanic, ay natagpuang puno ng langis sa katawan sa batuhan ng isang beach sa issland village malapit sa Brazil’s Rio de Janeiro noong 2011, ayon sa Metro.

Ang penguin ay nailigtas ni Joao Pereira de Souza, 71-anyos retiradong brick worker at mangingisdang naninirahan sa erya.

Inalagaan ni Pereira de Souza ang naghihingalong ibon, pinakain ng isda hanggang sa bumalik ang lakas, at pinaliguan upang maalis ang langis sa balahibo. Umabot ng isang linggo bago tuluyang naalis ang langis sa katawan ng ibon, ayon sa video ng Brazilian network Globo TV.

Bagama’t sinikap ni Pereira de Souza na ibalik sa dagat ang penguin, na tinawag niyang si Dindim, isang linggo makaraan niyang matagpuan, wari ay hindi pa handa si Dindim na umalis.

“He stayed with me for 11 months and then, just after he changed his coat with new feathers, he disappeared,” pahayag ni Pereira de Souza sa Metro.

Inalaka niyang hindi na babalik ang penguin, ngunit sorpresang bumalik si Dindim sa isla makaraan ang ilang buwan, at sinundan pa si Pereira de Souza sa kanilang bahay.

“I love the penguin like it’s my own child, and I believe the penguin loves me,” pahayag ng matanda sa GloboTV.

Magmula noon ay lumalangoy ang penguin pabalik sa isla kada taon; sa kasalukuyan ay panlimang beses na niyang bumalik upang makita ang kanyang kaibigan.

Sinasabing nananatili sa Brazilian island ang ibon nang walong buwan kada taon upang makasama ang kanyang tagapagligtas.

(Business Insider UK)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

AHOF SM MoA NYE Kapuso countdown to 2026

AHOF leads SM Mall of Asia’s epic NYE Kapuso countdown to 2026

SM Mall of Asia delivers one of the country’s most anticipated year-end spectacles as it …

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …