Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Papa Art ni Ibyang, sa bahay lang nagdiwang ng 50th birthday

00 fact sheet reggeeFOR a change ay sa bahay nila sa White Plains ginanap ang 50th birthday party niPapa Art Atayde na daddy nina Arjo, Ria, Gela, Xavi at asawa naman ng aktres na si Sylvia Sanchez.

Kadalasan kasi ay sa hotel ito ginagawa kaso maysakit si Ibyang kaya sa bahay na lang siya nagpa-set up at mas nakaganda pa dahil intimate.

Sumaglit lang ang panganay nina papa Art at Ibyang na si Arjo dahil may taping siya ng FPJ’s Ang Probinsyano at nagpaalam lang daw sandali para mabati ang ama.

Iilan lang ang showbiz friends na dumalo sa kaarawan ni papa Art tulad ninaGretchen Barretto kasama ang partner niyang si Tony Boy Cojuangco, Joy Viado, Jana Agoncillo alyas Ningning at karamihan ay non-showbiz na.

Tanging wish ni Sylvia sa ama ng mga anak, ”good health, happiness, okay ang negosyo niya and I want to grow old with him at happy ang family at intact. Wala naman akong mahihiling na kasi ibinibigay naman lahat sa amin ni Art, mabuti siyang asawa at ama sa mga anak namin, iingatan siya parati ng Panginoong Diyos.”

At kahit na nagkakasayahan sa paligid ay nakita naming may bahid pa rin ng kalungkutan sa mata ng aktres dahil may kulang sa mga bisita niya.

“Siyempre, nalulungkot ako sa nangyari sa manager ko (Cornelia Lee, wala naman akong magawa kundi tanggapin, pero sana mag miracle,” katwiran ni Ibyang.

Sabay biro ng aktres na noong nasa hospital daw siya ay sinabi niya kay tita Angge, ”tita A, birthday ni Art sa Biyernes (March 11), may handaan sa bahay, dumaan ka ha o kaya dalawin mo kami.

“Oo nga pala, papunta kaming Amanpulo sa Sabado at sa Martes ang balik. Alam mo naman na matagal na itong nakaplano at ito ang gusto ni Art, kaya utang na loob, ‘wag mo akong kukulitin ha, ‘wag mong sasabihing may taping ako.”

Naunang usapan na ito nina Ibyang at tita Angge bago pa raw inatake ang manager niya dahil nga hindi puwedeng mawala ng matagal ang aktres dahil may uumpisahan itong teleserye.

Nagpunta ng Nasipit, Agusan del Norte si Sylvia noong nakaraang linggo maski na maysakit siya dahil kaarawan ng kanyang ina at gusto niyang ipaghanda ito.

At noong Sabado ng tanghali habang naghihintay ng kanilang flight ang pamilya Atayde ay nag-post si Ibyang ng, ”first time for us to travel without anyone else but our family  so excited to relax and spend quality time with the family for @xaviiart’s 50th birthday #priceless”

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …