Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Zsa Zsa, may trauma na raw sa paghahanda ng kasal

SA presscon ng The Story of Us noong Martes sa ABS-CBN nakausap si Miss Zsa Zsa Padilla tungkol sa nalalapit nitong kasal sa kanyang architect boyfriend na si Conrad Onglao.

Nabanggit kasing sinundan siya noong nagte-taping sila ng The Story of Us sa New York City, USA.

Ipinagmamalaking ikinuwento rin nina Kim Chiu at Xian Lim na si Zsa Zsa raw ang naging tagaluto ng pagkain nila at naglilinis sa inupahan nilang bahay.

Natatawa naman ang Divine Diva tungkol dito at ang katwiran niya kaya raw niya ginagawa lahat iyon ay para mawala ang boredom niya.

Gong back sa isyung kasal ay hindi itinanggi ni Zsa Zsa na may plano na nga sila ngayong taon pero ayaw niyang i-reveal kung kailan at saan.

“This year, pero surprise. Pati sa kanya (fiancé) surprise. Sabi ko, akong bahala,” kaswal na sabi ng singer/actress.

Bilang lang daw sa daliri ang mga imbitado sa kasal nina Zsa Zsa at Conrad.

“Napakasimple lang naman talaga ng gagawin namin, eh. Ang gusto ko lang, talagang present ‘yung mga anak namin,” katwiran ng aktres.

Parang hindi nakitaan ng excitement sa nalalapit na kasal si Zsa Zsa.

“Kasi hindi sa edad ko talaga, hindi na. Nape-pressure ako na may masaktan, meaning walang maimbita.

“And I don’t want it to be big. Kasi sabi ko, hindi ko naman ito first wedding.

“Mayroon pa akong naudlot na wedding, na-trauma ako, eh.

“Kapag nagpaplano ako, natu-trauma ako, eh, parang nane-nega na ako na hindi matuloy, baka may mangyari. Sabi ko, siguro kung bibiglain ko na lang. Pati siya mabibigla na lang,” pangangatwiran ulit ng aktres.

Si Zsa Zsa ang biological mom ni Kim sa istorya bilang si Tin sa The Story of Usat nagkita sila sa New York.

( Reggee Bonoan )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …