Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagpapa-alam ni Kris sa showbiz, totoo na kaya?

00 fact sheet reggeeSUNOD-SUNOD ang mensaheng natanggap namin noong Martes ng gabi tungkol sa ipinost ni Kris Aquino sa kanyang Instagram na nagpapaalam na sa ABS-CBN pagkalipas ng 20 years at sa lahat ng sumusubaybay/tumangkilik sa kanya.

Pinasalamatan din ni Kris ang lahat ng nagtitiwalang endorsements niya na patuloy siyang sinuportahan at nabanggit din nito ang mga negosyong naipundar niya.

Iisa ang tanong sa amin, ”is this for real?  Anong nangyari, bakit?’

Wala naman kaming maisagot dahil nasabi na lahat ng Queen of All Media ang sagot sa tanong ng lahat.

Ang nagulat lang ng husto ay ang buong Kris TV team nang mabasa raw nila ang post ng host nila dahil base sa huli nilang paghihiwalay ay ang saya-saya raw nito at ganado pang magtrabaho.

Hindi naman daw nabanggit sa kanila ni Kris na lilisanin na nito ang showbiz base sa mga post niya baka lang daw kasi masama ang pakiramdam ng TV host/actress kaya nag-emote kasi nga naman hindi rin biro na nagpa-fluctuate ang blood pressure niya.

Nasanay na rin naman sila kay Kris na kapag okay na ang pakiramdam ay back to work na ulit kaya bulaga raw ang post na ito ng Queen of All Media.

Habang tinitipa namin ang balitang ito ay hindi pa dumarating si Kris sa set ngKris TV na may taping siya base na rin sa post niya na may two taping days na lang siya, kahapon at ngayong araw, Huwebes.

Kung magbabalik-tanaw tayo ay matagal ng sinasabi ni Kris na gusto na niyang magretiro sa showbiz sa edad na 40, pero hindi natuloy dahil umabot pa siya ngayong 45 years old nitong nakaraang Pebrero 14.

Suportado naman ng Kris TV team ang anumang desisyon ni Kris para sa ikabubuti niya at sa dalawang anak niyang sina Josh at Bimby.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …