Monday , December 23 2024

Pagbabago sa sistema ng taping at shooting, hiling nina Lana at Henares

00 fact sheet reggeeNAGDURUSA ang buong showbiz industry sa pakawala ng dalawang kilalang direktor na sina Direk Wenn Deramas at Francis Xavier Pasion. At ang dahilan ng kanilang pagkamatay ay sakit sa puso.

Naglabas ng saloobin sina Direk Jun Robles Lana at Quark Henares ng kanilang hinaing kung bakit nagkakasakit ang mga taga-produksiyon at ang sinasabing dahilan ay dahil sa sobrang pressure at mahabang oras ng pagtatrabaho.

Diretsong sinisisi ni direk Jun ang ilang artistang pasaway na darating sa set ng late at pagkatapos ay nagmamadaling kunan kaagad dahil may cut-off sila.

Ang tweet ni direk Jun noong Martes.

“Let’s get real. We know the standard response when talents demand for fair working hours:

“Fire them. Or don’t hire them again. So of course no one complains. Talents would rather die of heart attacks than lose their only means of livelihood.

“Maraming artista, may cut-off.  Dami mong kukunan na eksena, kailangan pang iprioritize ang cut-off nila? Sila bawal mapuyat, kami okay lang?

“Mga artista ang dapat manguna para magbago ang sistema. ‘Di ba sikat kayo gamitin n’yo ‘yan kung may malasakit talaga kayo sa crew. Eh ‘yung iba, late na nga darating sa set, tatarantahin pa ang crew na unahin sila dahil may cut-off sila. Ang kakapal n’yo.

“Ngayong may namatay na direktor, eeksena kayo, iyak iyak kayo. Eh ‘yung pagiging inconsiderate n’yo kaya ang isang dahilan kaya natigok sila.

“’Di ko nilalahat pero may mga artistang nag-e-endorse ng kandidato, para raw sa pagbabago.

“Sa showbiz nga wala kayong paki, sa bayan pa natin? Buti ang direktor nabibigyan ng tribute. Paano ‘yung producer, PA, crew na nagkasakit o natigok dahil sa trabaho? May dumamay ba sa kanila?

“Huling hirit. Ang crew, talents, contractual employees, kahit 15 yrs. ka nang PA, walang benefits. Pero talents ang nagpapayaman sa networks. 2016 na ‘di ba?

“Hindi na dapat pinagtatalunan ang pagkakaroon ng benepisyo at maayos na working conditions ng talents. Kaparatan nila ‘yan.”

Hindi rin naman nalalayo ang pahayag ni direk Henares sa mga sinabi ni direk Jun na naglabas din ng saloobin niya sa pagkamatay ng professor at naging kaibigan niyang si direk Francis noong nag-aaral palang siya sa Ateneo de Manila University.

Ang sobrang haba ng working hours din ang paliwanag ni direk Quark.

Ani direk Quark, ”he was my professor, he was my friend, he was the founder of my college org, he was my colleague. What I remember most about Francis Xavier Pasion was how he would fervently post posters around the campus for The Loyola Film Circle’s first ever-short film festival and I was this little chubby freshman following him around ripping the scotch tape in half. ‘Thanks Quark. Keep this up and one day baka magiging President ka ng Loyola Film Circle.’

“I never did, but I always found that view of leadership to be funny. Rest in peace, Mr. Pasion.

“PS This might not be a good time to say this but I’ll say it anyway. I think the reason a lot of TV directors like Wenn Deramas and Gilbert Perez, and now Francis Pasion are getting cardiac arrests is because of the horrible working hours and conditions in Television.

“And it’s not just directors: stuntmen, ADs, crew people and cameramen all go through similar situations. This should really change. And I don’t know how it will, considering that this entails losses for the networks. But it really is time. Top of Form.”

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *