Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vivian, ‘di nagpapigil, Tubig at Langis iniwan na!

00 fact sheet reggeeINIWAN na ng tuluyan ni Vivian Velez ang seryeng Tubig at Langis at hindi na siya napigilan ng TV executives ng RSB unit na manatili pa.

Ginanap ang meeting nina Vivian at direk Ruel S. Bayani kasama ang executives ng Tubig at Langis noong Lunes ng hapon na nagkaroon ng paliwanagan at hindi lang nabanggit sa amin kung present si Cristine Reyes sa pag-uusap.

Ayon kay Miss Body Beautiful, ayaw na niyang makatrabaho o maka-eksena pa si Cristine kaya mas magandang siya na lang ang umalis.

Sa tanong namin kay VV noong Lunes ng gabi kung ano ang mangyayari sa papel niya? ”We agreed on three days to finish me off provided na hindi ko makakasama si Cristine sa eksena.”

Sa tanong namin kung ayaw na ba talaga niyang magpapigil? ”Yes, irrevocable, ‘di ba? It was painful experience talaga.”

Hanggang ngayon ay hinihintay pa ang official statement ng Viva Talent Agencytungkol dito sa pamumuno ni Miss Veronique del Rosario-Corpus na namamahala sa karera ni Cristine.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …