This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
NILALAPATAN ng lunas sa Philippine Orthopedic Center ang isang estudyante ng University of Santo Tomas (UST) bunsod ng multiple fracture injuries makaraan mahulog mula sa ikatlong palapag ng El Pueblo Condominium sa Anonas St., Sta. Mesa, Maynila kamakalawa.
Kinilala ang biktimang si Eddie Masorong, 23, umookupa sa Bldg. 330-C ng El Pueblo condominium, sa Anonas St., Sta. Mesa, Maynila.
Ayon sa imbestigayson ni SPO1 AlvinSente, ng Manila Police District-Police Station 8, naganap ang insidente dakong 8:50 a.m. sa nabanggit na condominium.
Ayon kay Joey Acebrod, 37, residente ng Bldg. C-2 ng El Pueblo condominium, nagluluto siya nang makarinig nang malakas na kalabog.
Pagkaraan ay nakita niya ang biktimang namimilipit sa sakit kaya humingi siya ng tulong sa guwardiya na siyang tumawg ng ambulansiya.
Inaalam pa ng pulisya ang dahilan kung bakit nahulog ang biktima.