PAWANG positibo ang feedback ng viewers at advertisers sa tambalang Cardo at Trina sa FPJ’s Ang Probinsyano kaya nagkaroon ng idea ang Star Cinema na pagsamahin sila sa pelikula.
Ito ang in passing na nabanggit sa amin ng taga-ABS-CBN na ang lakas daw ng tambalan nina Coco Martin at Anne Curtis sa nasabing serye.
Dapat daw sana ay maigsi lang ang appearance ni Anne sa Ang Probinsyano, pero dahil positibo ito sa manonood ay hahabaan daw ito bagay na mas lalong nagpa-anghang sa sitwasyon nina Bela Padilla as Carmen at Maja Salvador bilang si Glen.
Marahil ay sobrang na-miss ng tao si Anne na mag-drama dahil huli siyang napanood ay sa Dyesebel pa noong 2014 at It’s Showtime lang ang regular show niya.
Nakatataka rin na bakit hindi na nasundan ang Dyesebel ni Anne gayong okay naman siya mag-teleserye? Hindi naman puwedeng sabihing hindi niya kayang pagsabayin ang serye at Showtime dahil nagawa nga niya sa Ang Probinsyano.
At dahil maganda ang feedback ng tambalang Cardo at Trina ay hindi kaya gawin ng regular si Anne sa nasabing serye?
FACT SHEET – Reggee Bonoan